Ang iyong temple family names list ay may limit sa pagreserba na hanggang 300 entry. Kasama sa isang entry ang pangalan ng isang ninuno at ang mga ordenansang inireserba mo.
Kapag umabot ang iyong listahan sa limit na ito, hindi ka makapagrereserba ng mga karagdagang ordenansa hangga’t hindi nababawasan ang bilang ng mga nakareserbang ordenansa.
Ang limit sa pagreserba ay naunang ginamit noong 2021. Ang sumusunod na mga tanong at mga sagot ay ipinapaliwanag ang limit nang mas detalyado.
Mga bagay na madalas itanong
Bakit naglagay ng limit sa pagrereserba?
Sa isang liham na isinulat noong ika-8 ng Okt 2012, hinikayat ng Unang Panguluhan ang mga taong may malaking bilang ng nakareserbang pangalan ng pamilya na “i-release ang mga pangalang ito sa lalong madaling panahon upang maisagawa ang mga kinakailangang ordenansa.” Marami sa ating mga yumaong kapamilya ang naghihintay ng pagkakataong matanggap ang mga pagpapala ng mga ordenansa para sa mga patay. Maraming miyembro ang naglilingkod sa mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo upang tumulong sa gawaing ito.
Ang bagong limit na 300 reserbasyon ay mas pinadadali ang iyong pamamahala sa iyong reservation list. Ang pagbabago ay nagtutulot sa mga miyembro ng Simbahan na mas madaling makahanap ng mga oportunidad sa templo. Dagdag pa riyan, tumutulong ito sa mga ninuno na tanggapin ang mga ordenansa nang mas mabilis.
Binigyang-diin ni Pangulong Russell M. Nelson at ng iba pang mga makabagong propeta ang kahalagahan ng pagpapabilis ng gawain ng Panginoon na tipunin ang Israel. Mayroon tayong sagradong obligasyon na isagawa ang mga ordenansa para sa mga patay sa sarili nating mga ninuno. Bilang isang pandaigdigang Simbahan at bahagi ng sangkatauhan, matutulungan natin ang isa’t isa na tuparin ang sagradong obligasyong ito.
Narito ang mga hakbang na magagawa mo kung napakarami mong mga gawain sa templo na kailangang makumpleto kaagad:
- Ibahagi ang mga pangalan ng pamilya sa mga kapamilya, kaibigan, o isang family group
- Ibahagi ang mga reserbasyon sa templo. Mahahanap ng iba ang pangalan mula sa Mga Ordenansang Handa nang Isagawa at sa Family Tree.
- I-unreserve ang ilang pangalan
Hindi mo magagawang ibahagi ang mga ordenansa na inireserba mo mula sa shared temple inventory. Kapag sinubukan mong gawin ito, may makikita kang mensahe: “Ang mga ordenansang ibinahagi na sa templo ay hindi na muling maibabahagi.” Hindi mo maaaring tanggalin ang reserbasyon sa mga ordenansang ito. Kapag in-unreserve mo ang mga pangalang ito, babalik ang mga ito sa shared list ng taong unang nagbahagi nito sa templo.
Kapag ang iyong reservation list ay mababa sa limit, maaari mong i-unshare ang reserbasyong ibinahagi mo.
Hindi ninyo maa-unshare ang mga ordenansa sa mga sitwasyong ito:
- Ang mga ordenansa ay nagawa na
- Nai-print ng isang templo ang mga card
- May ibang nagreserba sa mga ordenansa sa loob ng 120 araw
Ano ang kabilang sa reservation limit?
Ang bawat hanay sa iyong reservation list ay itinuturing na isang reserbasyon, kahit na ang hanay ay kumakatawan sa maraming ordenansa. Para makita ang bilang ng mga reserbasyon, tingnan ang kaliwang sidebar. Ang numero pagkatapos ng “Mga Reservation Ko” ay ang kabuuang bilang ng reserbasyon.
Ang mga binyag, kumpirmasyon, initiatory, endowment, at pagbubuklod sa mga magulang para sa isang tao ay makikita sa isang hanay at bibilangin bilang isang reserbasyon. Ang ordenansa ng pagbubuklod sa asawa ay makikita sa sarili nitong hanay ng reserbasyon at itinuturing na hiwalay na reserbasyon.
Ano ang mangyayari kung ang reservation list ko ay lampas na sa limit?
Kung ang iyong listahan ay lumampas sa pinapayagang bilang ng mga reserbasyon, mananatili ang mga ito sa iyong listahan hanggang sa expiration date ng mga ito. Kapag nag-expire ang reserbasyon, ang mga ordenansa ay ibabahagi sa templo. Mahahanap at mairereserba ng mga kamag-anak ang mga ito sa Family Tree o sa pamamagitan ng Mga Ordenansang Handa nang Isagawa.
Kung ang iyong reservation list ay hindi lampas sa limit at walang nagprint o kumumpleto sa gawain, maaari mong i-unshare ang pangalan.
Paano ko malalaman kung ang reservation list ko ay umabot na sa limit?
Para makita ang iyong mga reservation list, mag-sign in sa FamilySearch.org, at i-klik ang Templo. I-klik ang Mga Ipinareserba Ko. Sa kaliwa, ipinapakita ng Mga Reservation Ko kung gaano karami ang iyong mga reserbasyon. Ang bilang ng Naka-Share ay hindi idinagdag sa iyong limit.
Kung susubukan mong magreserba ng ordenansa matapos umabot sa limit, may makikita kang pabatid na umabot ka na sa limit.
Ano ang mangyayari kapag umabot ako sa reservation limit?
Kapag umabot ka na sa limit, hindi ka na makapagrereserba ng karagdagang pangalan ng pamilya. Para mabawasan ang bilang na nasa iyong listahan, maaari kang mag-share sa templo ng mga inireserba mo. Maaaring gamitin ng iba pang mga miyembro ng Simbahan ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa at tulungan kang kumpletuhin ang mga ordenansa. Kapag kumpleto na ang gawain, makatatanggap ka ng notification sa iyong FamilySearch Notifications.
Maaari mong kunin ang mga pangalang ibinahagi na hindi kumpleto kapag mas marami kang paglalagyan sa iyong reservation list. Kung kasama sa ibinahagi na reserbasyon ang mga ordenansang nai-print o nakumpleto na, ang mga ordenansang iyon ay hindi na maaaring i-unshare.
Ang pagbabahagi ba ng mga pangalan ng pamilya sa templo ay isinasama sa aking limit?
Kapag nagbabahagi ka ng pangalan ng iyong pamilya sa templo, ito ay hindi isinasama sa iyong limit.
Ang pagbabahagi ba ng mga pangalan sa isang family group ay kasama sa aking limit?
Kapag ibinahagi mo ang pangalan ng pamilya sa isang family group, ito ay isinasama sa iyong limit. Ang mga normal na expiration date ay magkakaroon ng bisa pagkatapos muling ganap na buksan ang mga templo sa phase 4.
Paano ibinibilang ang pagbabahagi ng mga pangalan ng pamilya sa isang kamag-anak o sa iba pang miyembro ng Simbahan sa aking limit?
Maaari kang magbahagi ng mga pangalan ng pamilya sa mga kamag-anak o kaibigan sa pamamagitan ng email o FamilySearch messaging. Isang email o FamilySearch message ang nagpapakita ng mga pangalan at kinakailangang ordenansa. Kung tatanggapin nila ang mga reserbasyon, malilipat ang mga reserbasyon sa kanilang reservation list. Ang reserbasyon ay hindi na lilitaw sa iyong listahan, at hindi na ibinibilang sa iyong limit.
Kung magbabahagi ako ng mga pangalan ng pamilya sa templo, gaano katagal ako maghihintay bago makumpleto ang mga ito?
Mahirap malaman kung gaano katagal bago makumpleto ang mga ordenansa para sa mga pangalang ibinahagi sa templo. Kabilang sa mga dahilan ay ang bilang ng mga ordenansang ibinabahagi ng iba at ang bilang ng mga dumadalo sa templo. Sa kasalukuyan, ang mga endowment ng kalalakihan ang pinakamatagal makumpleto. Ang iba pang mga ordenansa (binyag, kumpirmasyon, at initiatory) para sa lalaki o babae ay karaniwang hindi ganoon katagal.
Sa Mga Ordenansang Handa nang Isagawa, mas madaling mahahanap at makukumpleto ng mga miyembro ng pamilya at mga miyembro sa buong mundo ang mga pangalang ibinahagi sa templo. Dahil mas maraming templong itinatayo sa iba’t ibang panig ng mundo, mas marami ring miyembro ang nakakabahagi sa paggawa ng mga ordenansa para sa mga yumao na. Ang patuloy na pagpapabuti sa mga proseso ng pagbabahagi at pamamahagi ay makatutulong din sa pagpapaikli ng panahon para matapos ito.
Mas gusto kong ibahagi sa mga kapamilya ang naka-print na mga family name card. Maaari ba akong makakuha ng eksepsyon sa reservation limit?
Ang reservation limit ay para sa lahat ng user.
Maaari mong ibahagi ang mga pangalan ng pamilya sa iyong mga kamag-anak gamit ang bagong family group feature. Sa isang family group, maaaring i-print ng mga kamag-anak ang card kapag handa na silang bumisita sa templo. Ang mga pangalang nai-share mo sa isang family group ay ibibilang sa iyong limit. Ngunit makikita mo ang mga ordenansa sa iyong listahan at kung sino ang nag-print ng mga ito. Masusubaybayan mo ang progreso online at matatanggap ang mga notification kapag nakumpleto na ang mga ordenansa.
Kung nagbahagi ako ng mga reserbasyon para sa ilang ordenansa para sa isang ninuno, paano ko ito mababantayan para hindi umabot ang bilang sa limit?
Ang bawat hanay sa iyong reservation list ay itinuturing na isang reserbasyon, kahit na ang hanay ay kumakatawan sa maraming ordenansa. Gayundin ang mangyayari kung ibinahagi mo ang bahagi ng reserbasyon na iyon sa iba.
Ang ordenansa ng pagbubuklod sa asawa para sa isang indibiduwal ay nasa hiwalay na hanay mula sa iba pang mga ordenansa at laging itinuturing na isang reserbasyon. Lahat ng iba pang mga ordenansa para sa isang indibiduwal ay magkakasama sa isang hanay ng reservation. Ang reserbasyon para sa isang tao na kinabibilangan ng lahat ng ordenansa ay itinuturing na 2 reserbasyon.
Ano ang mangyayari kung nagbahagi ako ng pangalan ng pamilya sa ibang tao sa pamamagitan ng email o messaging, ngunit umabot na rin sa limit ang tatanggap nito?
Ang reservation list ng bawat tao ay may parehong limit. Maaaring tanggapin ng mga miyembro ang ibinahaging mga pangalan kapag ang kanilang listahan ay hindi pa umaabot sa limit.
Kung puno na ang listahan ng tatanggap, ang mga pangalan ay mananatili sa iyong listahan. Maaari mong ibahagi ang reserbasyon sa templo o sa isang family group.
Kung gumagamit ako ng ibang program para ireserba ang mga ordenansa, may limit pa rin ba?
Ang ilang third-party software ay nakikipagtulungan sa FamilySearch para tulungan ang mga miyembro na magreserba ng mga pangalan ng pamilya. Ang mga program ay gumagana sa FamilySearch Family Tree at may parehong limit.
Kapag umabot na ako sa limit, paano ko masusubaybayan ang mga pangalan ng pamilya na gusto kong ireserba kalaunan?
Gamitin ang iyong Following list upang lagyan ng bookmark ang mga ninuno na ang mga ordenansa ay gusto mong ireserba kalaunan. Para madali silang mahanap sa listahan, maaari mong idagdag ang Temple Reservation label.
Bakit hindi na ibinabalik ng templo ang aking family name card matapos kong makumpleto ang ordenansa para sa isang ninuno?
Ang pag-iwan sa mga family name card sa templo ay nakatutulong para matiyak ng mga temple worker na hindi nadoble at nairekord nang tumpak ang mga ordenansa. Ang pagsasagawa nito ay tumutulong din na maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo at inaalis ang oras ng paghihintay matapos dumalaw sa templo.
Kaugnay na mga artikulo
Paano ko maise-share ang pangalan ng mga kapamilya sa templo?
Paano ako magbabahagi ng mga pangalan ng aking pamilya sa mga kapamilya at kaibigan sa pamamagitan ng email?
Paano ko aalisin ang reserbasyon o ire-release ang mga pangalan ng mga kapamilya mula sa aking temple list?
Limitasyon sa oras ng ordenansa sa templo
Paano ko gagamitin ang Following list sa Family Tree para masubaybayan ang mga ninunong nangangailangan ng mga ordenansa sa templo?
FamilySearch Blog
Paano ako magbabahagi ng mga pangalan ng pamilya sa pamamagitan ng FamilySearch messaging?
Paano ako magbabahagi ng mga ordenansa sa isang family group?