Ang kabuuang layunin ng Family Tree ay tulungan kang matuklasan ang iyong pamilya at, sa paggawa nito, mas makilala mo pa nang kaunti ang iyong sarili.
- Ang Family Tree ay naiiba sa iba pang mga katulad na genealogy site. Ang Family Tree ay nag-iisa at pampublikong tree na nag-uugnay sa mga pamilya. Ang ibang site ay pinahihintulutan lamang ang kanilang mga user na gumawa at pamahalaan ang kanilang pribadong tree. Lahat sa Family Tree ay nagtutulungan sa iisang datos. Ang aming layunin ay ikonekta ang bawat miyembro ng pamilya ng sangkatauhan.
- Inihahambing ng Family Tree ang mga talaan ng kasaysayan sa mga tao sa tree para tulungan kang makahanap ng mga source para sa taong iyon.
- Inihahambing ng Family Tree ang mga katulad na tao sa tree upang matulungan kang makahanap ng mga duplicate na tao, na maaari mong pagsamahin.
- Ang Family Tree ay mayroon din messaging at collaboration tools, at libreng tulong sa telepono at email mula sa mga eksperto, upang tulungan kang lutasin ang mga error.
- Kumukuha ng impormasyon ang Family Tree sa napakalaki at mas lumalaki pang database ng FamilySearch para magbigay ng mga record hint. Ang mga hint ay tutulong sa iyo na maiugnay ang mga naunang henerasyon.
- Makatutulong ang bahaging Mga Alaala sa pagtataguyod ng mas malalim na koneksyon sa mga ninuno. Maaari mong pangalagaan at ibahagi ang mga larawan at kasaysayan.
- Gusto naming maraming tao ang magkaroon ng access sa Family Tree hangga’t maaari. Bilang karagdagan sa buong website, maaari mong gamitin ang aming mga mobile app o ang website ng Family Tree Lite.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng Family Tree, maaari tayong magtulungan upang lumikha ng isang pubilc tree na may mapagkakatiwalaang mga source. Nais naming tulungan ang mga miyembro ng pamilya na kumonekta sa mga namatay at buhay na kamag-anak.
Para malaman pa ang tungkol sa FamilySearch, o kung kailangan mo ng tulong, bisitahin ang FamilySearch.org/about.
Kaugnay na mga artikulo
Paano ako makapagpapadala ng mensahe sa isang taong nag-ambag ng impormasyon sa Family Tree o sa Mga Alaala?
Paano ko magagamit ang mga alaala ng FamilySearch para maingatan ang mga kuwento ng buhay ng aking mga ninuno?