Maaari kang magdagdag ng larawan mula sa markang Mga Memorya ng isang tao. Kusang lumilikha ang kaparaanan ng isang marka ng tao at iugnay ang larawan sa tao. Hindi alam ng kaparaanan kung saan ilalagay ang kahon sa larawan. Maaari mong baguhin ang sukat at muling ayusin ang kahon upang maipakita ang tamang bahagi ng larawan.
Mga Hakbang (website)
- Hanapin ang larawan sa iyong galeriya, at pindutin upang mabuksan ito sa taga-tingin.
- Sa kanan, pindutin ang marka ng Mga Kaayusan(gear) sa tabi ng pangalan ng taong may pananda.
- Ang pananda para sa napiling indibidwal ay magkakaroon ng liwanag
- Upang ilipat ang pananda, pindutin ang kahon at hilahin sa tamang posisyon.
- Upang baguhin ang sukat ng kahon, pindutin ang berdeng tuldok, at hilahin sa tamang sukat.
- Pindutin ang berdeng markang tsek upang tipunin, o ang pulang X upang kanselahin.
- Sa kanang itaas ng larawan, pindutin ang Tapos sa Paglagay ng Pananda.
Upang maiwasan ang problema, subukang magdagdag ng mga larawan mula sa Galeriya ng mga Memorya sa halip na mula sa pahina ng isang tao. Pagkatapos ay idagdag ang nauugnay na mga pananda.
Mga Hakbang (Family Tree o Mga Memorya na mobile app)
Sa Family Tree app, mag-layag sa isang taong may marka sa memorya at pindutin ang markang Mga Memorya. Pagkatapos ay magpatuloy sa sumusunod na mga hakbang.
- Pindutin ang bagay na memorya.
- Pindutin ang markang tao. Kung hindi mo makita ang marka, pindutin ang memorya.
- Upang muling ayusin ang isang marka, pindutin ang bilog o kahon at hilahin ito sa nais na kaayusan.
- Upang baguhin ang laki ng pananda, pindutin ang luntian na tuldok at hilahin sa tamang laki.
- Pindutin ang Tapos.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko lalagyan ng marka ang mga memorya ng aking mga ninuno o kamaganak sa Family Tree?
Paano ko aayusin o tatanggalin ang mga pananda ng tao sa Mga Memorya?
Paano ko aalisin ang pulang tandang pandamdam sa Mga Memorya?