Paano ko isusulat ang mga larawan at mga kasulatan sa Mga Memorya?

Ang tabing ng FamilySearch ay hindi nagpapakita ng buton sa pagsulat. Ang ibang mga pagpipilian ay umiiral upang isulat ang mga larawan o kasulatan na nahanap mo tungkol sa iyong mga ninuno.

Mga Hakbang (website)

  1. Habang nakalagda sa FamilySearch, maglayag sa alaalang gusto mong isulat.
  2. Pindutin ang bagay.
  3. Mayroon kang apat na pagpipilian:
    • Sa ibabaw ng memorya, pindutin ang Mga Pagkilos, saka Kunin. Hanapin ang larawan sa iyong kompyuter, at isulat ito. 
    • Kanang-klik ang larawan. Pindutin ang Ipunin ang mismong larawan. Hanapin ang larawan sa iyong kompyuter, at isulat ito. 
    • Kung ang kasulatan ay isang Pagkukunan, lagyan ng marka ito, saka kanang-klik at piliin ang Isulat.
    • Isulat ang bagay na memorya sa paggamit ng iyong browser (Ctrl+P sa halos lahat ng mga browser;Command+P sa Macintosh na kompyuter)

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, maglayag sa taong ang memorya ay gusto mong isulat.
  2. Pindutin ang Mga Memorya.
  3. Pindutin ang bagay na gusto mong isulat.
  4. Pindutin sa loob ng bagay. Sa toolbar ay mga pagpipilian:
    • Apple iOS: Pindutin ang markang ibahagi. Kung mayroon kang printer na magagamit sa iyong kagamitan, pindutin ang Isulat. Kung wala kang printer, maaari mong gamitin ang iyong mobile na kagamitan, pindutin ang Ipadala. Maaari mong ipadala ang email sa iyong sarili at isulat mamaya sa iyong email.
    • Android: Pindutin ang tatlong tuldok sa tuktok, kanang sulok at pindutin ang Kunin. Mabubuksan mo ngayon ang salansan sa iyong telepono at isulat ito sa mga pagpipilian sa iyong kagamitan. Maaari mo ring pindutin ang markang email upang ipadala sa iyong sarili, at saka isulat sa iyong email.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay hindi saklaw ang katangiang Mga Memorya. Dalawin ang buong website.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ibabahagi ang mga memorya na nahanap ko sa mag-anak at mga kaibigan?
Paano ko kukunin ang mga memorya (mga larawan, kuwento, kasulatan, at salansan na pandinig) tungkol sa aking mga ninuno?

Nakatulong ba ito?