Ang FamilySearch ay nagbibigay ng isang madaling paraan para sa iyo upang makuha ang mga memorya. Maaari kang kumuha ng mga larawan, kasulatan, kuwento, at mga salansan na pandinig.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch at hanapin ang memorya na gusto mong kunin.
- Pindutin ang bagay na memorya.
- Sa kanang itaas, pindutin ang tatlong nakatayong mga tuldok.
- Pindutin ang Kunin.
- Kung kumukuha ka ng isang larawang na mayroon ding salansan na pandinig, sabihin kung gusto mo ang larawan, salansan na pandinig, o kapuwa. Saka pindutin ang Ayos.
Mga Hakbang (Mga Memorya na mobile app)
- Pindutin ang isang bagay na memorya.
- Sa isang kagamitang Apple iOS, pindutin sa loob ng bagay upang maipakita ang harang-na-kagamitan.
- Apple iOS: Pindutin ang markang pagbabahagi sa kaliwang ibaba. Pagkatapos, pindutin ang pagpipilian na Ipunin. Android: Pindutin ang tatlong tuldok sa kanang sulok sa tuktok, pagkatapos ay pindutin ang Kunin.
Mga Hakbang (Family Tree mobile app)
- Mag-layag sa taong ang kaniyang bagay na memorya ay gusto mong kunin.
- Pindutin ang markang Mga Memorya.
- Pindutin ang isang bagay na memorya.
- Apple iOS: Pindutin ang markang pagbabahagi, pagkatapos, pindutin ang pagpipilian na Ipunin. Android: Pindutin ang markang 3 tuldok at pagkatapos, pindutin ang Kunin.
- Upang makuha ang lahat ng mga bagay na memorya para sa ninuno, pindutin ang tatlong tuldok sa kanang sulok sa tuktok, pagkatapos, ang Kunin ang Mga Memorya. (Para sa Apple iOS, pindutin ang Marami Pa, saka ang Kunin ang Mga Memorya.)
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay hindi saklaw ang katangiang Mga Memorya. Dalawin ang buong website.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko ibabahagi ang mga memorya na nahanap ko sa mag-anak at mga kaibigan?