Paano ko ilalagay ang pangalan ng libingan o lugar ng puntod sa Family Tree?

Maraming tao ang gustong dumalaw, maglagay ng palamuti, o alagaan ang mga puntod ng kanilang mag-anak at mga ninuno. Kapag itinala mo ang libingan na bilang isang puntod, makakatulong ito sa paghanap sa lugar.

Maaari mo ring itala ang lugar ng libing. Inirerekomenda namin na ilagay mo ang libingan na bilang isang pasadyang kaganapan.

Mga hakbang (website)

  1. Buksan ang pahina ng Tao para sa ninuno.
  2. Kung hindi mo nakikita ang bahaging Mga Mahalaga na nasa itaas ng pahina, pindutin ang Mga Detalye.
  3. Sa bahaging Mga Mahalaga, hanapin ang libingan, at pindutin ang + Idagdag (o pindutin ang Ayusin na marka kung nagpapakita na ang kabatiran para sa libing).
  4. Ilagay ang Petsa ng Libing at ang kabatiran ng libingan sa ilalim ng Lugar ng Libing. Habang sumusulat ka, ang kaparaanan ay ipapakita ang mga pamantayang magagamit. Pindutin ang wasto.
    • Upang piliin ang walang pamantayan, pindutin ang daga sa ibang banda ng tabing.
    • Upang itabi ang isinulat mo, pindutin ang unang bagay na nasa listahan ng mga pamantayan. Ang Family Tree ang pipili ng pamantayan kung maaari.
  5. Magdagdag ng isang dahilan kung bakit tama ang kabatiran.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Buksan ang pahina ng Tao para sa ninuno.
  2. Upang magdagdag ng kabatiran sa libing, sa kanang sulok sa ibaba, pindutin ang berdeng bilog, at pagkatapos ay pindutin ang Libing. Upang maayos ang kasalukuyang kabatiran ng libing, pumunta sa markang Mga Detalye, at sa bahaging Mga Mahalaga, pindutin ang Libing, at pagkatapos ay pindutin ang Mag-ayos.
  3. Ilagay ang kabatiran ng libingan sa ilalim ng Lugar ng Puntod. Habang sumusulat ka, saliksikin ang mga resultang nakalantad sa bagsak-baba na kahon.
  4. Habang inilalagay mo ang pangalan o petsa, ang kaparaanan ay ipapakita ang magagamit na mga pamantayan.
    • Mag-balumbon upang mahanap at pindutin ang wastong pamantayan.
    • Kung walang pamantayang magagamit, magpunta sa ibaba ng listahan ng mga pamantayan, at pindutin ang Wala sa mga nabanggit.
    • Upang panatilihin ang iyong inilagay at upang makapili ang kaparaanan ng pamantayang magagamit, pindutin palayo mula sa listahan ng mga pamantayan.
  5. Maglagay ng isang dahilan kung bakit tama ang kabatiran.
  6. Pindutin ang Itabi.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Buksan ang pahina ng Tao para sa ninuno.
  2. Sa bahaging Mga Mahalaga, hanapin ang Libing, at pindutin ang Idagdag. Kung nagpapakita na ang kabatiran para sa libing, pindutin ang kabatiran, at pagkatapos ay pindutin ang Mag-ayos.
  3. Ilagay ang kabatiran ng libingan sa ilalim ng Lugar ng Puntod.Ang Family Tree Lite ay kusang inilalagay ang pamantayan ng mga petsa at lugar habang nagdadagdag o inaayos mo ang mga ito. Hindi ka maaaring pumili ng isang pamantayan.
  4. Maglagay ng isang dahilan kung bakit tama ang kabatiran.
  5. Pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ilalagay ang mga petsa at mga lugar sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?