Paano ko isasama ang mga pangalang Chinese sa Family Tree?

Share

Maaari kang magdagdag ng mga pangalan ng mga lugar na nasa wikang Chinese sa Family Tree. Ang sumusunod na mga tip ay makatutulong na matiyak na ang lugar ay naitala at tumpak na isinunod sa pamantayan.

Maging detalyado hangga’t maaari.

Isama ang pangalan ng probinsya, prefecture, county, bayan, at mga pangunahing antas na pangalan kung alam mo ang mga ito o kung mahahanap mo ang mga ito. Kung hindi mo alam ang buong pangalan ng lugar, idagdag ang lahat ng alam mo. Halimbawa:

RomanChinese
Taizicheng, Sitaizui, Chongli, Zhangjiakou, Hebei, Tsina中國河北省張家口市崇禮區四臺嘴鄉太子城村
Guizhou贵州省
Xinjie, Midu, Dali Bai, Yunnan雲南省大理白族自治州彌渡縣新街鎮
Nanping, New Taipei City, Taiwan臺灣新北市南平

Idagdag ang pangalan sa karaniwang pagkakasunod para sa wikang ginagamit mo.

Sa wikang Chinese at mga wikang unang naglilista ng pangalan ng bansa, i-type muna ang bansa. Pagkatapos ay idagdag ang mga pangalan ng probinsya, prefecture, county, bayan, at mga pangunahing antas na pangalan.

中國山西省忻州市定襄縣晉昌鎮

Sa wikang Ingles at iba pang mga wika na huling inililista ang pangalan ng bansa, idagdag muna ang mga pangalang pangunahin, bayan, county, prefecture, at ng probinsya. Huling idagdag ang pangalan ng county.

Jinchang, Dingxiang, Xinzhou, Shanxi, China

Pumili ng lugar na nasa pamantayan.

Upang matukoy ang pagkakaiba ng mga lugar na may magkakatulad na pangalan at pangalan na nagbago sa paglipas ng panahon, ang FamilySearch ay may iniingatang database ng mga nasa pamantayang pangalan ng mga lugar.

Sa pagdagdag mo ng pangalan ng lugar sa Family Tree, ang mga nasa pamantayang pangalan ng mga lugar na tugma ay makikita sa isang drop-down list sa ilalim ng espasyo.

Naka-save sa Family Tree kapwa ang lugar na idinagdag mo at ang pamantayang bersyon ng pangalang iyon. Ang pamantayang pangalan ng lugar ay tumutulong na matiyak na ang lugar ay naipapakita nang tama at nahanap nang tama sa Family Tree.

Ang database ng mga pamantayan sa lugar ay patuloy na lumalaki, ngunit hindi pa ito kumpleto para sa China. Kung hindi mo makita ang pamantayang panglan ng lugar na kailangan mo, subukan ang isa sa mga tip na ito:

  • Magdagdag ng karagdagang impormasyon sa lugar na nai-type mo, tulad ng pangalan ng prefecture o bansa. Pagkatapos ay piliin ang mas mataas na antas na nasasakupan bilang pamantayan. Piliin ang pangalan ng bansa bilang pamantayan kung iyon lang ang alam mo.
  • Kung wala kang makitang pangalang pangkasaysayan, palitan ito ng makabagong pangalan. Halimbawa, palitan ang 北平 ng 北京. Ang FamilySearch database ng mga pamantayang pangalan ng mga lugar ay naglalaman ng mas makabagong pangalan ng mga lugar sa wikang Chinese kaysa sa mga makasaysayang pangalan.
  • Kung lahat ng iba pa ay nabigo, mag-scroll sa ibaba ng listahan, at piliin ang Wala sa itaas. Pagkatapos ay pumunta sa FamilySearch Places upang imungkahi na idagdag namin ito.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ako maglalagay ng mga petsa at lugar sa Family Tree?
Paano ko iwawasto o isasaayos ang isang lugar sa FamilySearch Places?
Paano ko imumungkahi ang isang bagong lugar sa FamilySearch Places?
Paano ko ilalagay ang mga tekstong klasikong Chinese sa Family Tree?
Paano ko isasama ang mga pangalang Chinese sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?