Paano ko idadagdag ang aking Church record number sa aking account?

Share

Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay maaaring idagdag ang kani-kanilang Church record number sa kanilang FamilySearch account. Ang mga account na konektado sa isang Church record number ay mayroong access sa mga feature para sa mga miyembro ng Simbahan. Kung hindi mo idinagdag ang iyong number noong nag-set up ka ng iyong account, maidaragdag mo ito sa bandang huli. Makukuha mo ang iyong record number mula sa inyong ward o branch clerk. Ang number ay makukuha rin sa Member Tools app.

Mga Hakbang (FamilySearch.org website)

  1. Mag-sign in sa https://familysearch.org/
  2. Sa itaas sa kanang bahagi ng screen, i-klik ang iyong pangalan.
  3. I-klik ang Settings.
  4. I-klik ang Account tab.
  5. Idagdag ang iyong Church record number sa iyong account:
    1. Sa malapit sa ilalim ng screen, i-klik ang Idagdag ang Church Record Number. Paalala: Kung hindi mo nakikita ang feature na ito, nangangahulugan ito na naka-link na ang iyong Church record number sa iyong FamilySearch account.
    2. Ilagay ang impormasyon:
      1. Pangalan at apelyido
      2. Petsa ng kapanganakan
      3. Anumang zero sa unahang bahagi ng 11 digit na Church record number. Ang mga gitling ay hindi kailangan.
  6. I-klik ang Save.
  7. Mag-sign out at mag-sign in ulit. 

Kung nakatanggap ka ng error message na nagsasabing ang numero o ang iyong kaarawan ay mali, malamang na isa o ang parehong ipinasok mo ay mali. Mangyaring:

  • Subukang ipasok muli ang petsa ng iyong kapanganakan at Church record number. Maingat na ipasok ang tamang numero.
  • Magpatulong sa inyong unit clerk para matiyak na tama ang petsa ng iyong kapanganakan sa iyong Church record.
  • Magpatulong sa inyong unit clerk para matiyak na tama ang iyong Church record number.

Mga Hakbang (ChurchofJesusChrist.org website)

  1. Mag-sign in sa https://ChurchofJesusChrist.org.
  2. Sa tuktok ng kanang bahagi ng screen, i-klik ang iyong larawan o icon.
  3. I-klik ang Account Settings.
  4. Sa kanan, i-klik ang Membership.
  5. Ilagay ang lahat ng 13 character ng iyong bilang, pati ang mga dashes.
  6. Sa ibaba ng pahina, i-klik ang I-save ang mga Pagbabago.

Pagkatapos mong idagdag ang iyong record number, mag-sign in sa FamilySearch.org site sa pamamagitan ng pagpunta sa site, at i-klik ang Mag-sign In sa kanan sa itaas, pagkatapos ay gamitin ang opsiyon na Magpatuloy Gamit ang Church Account.

Mga Hakbang (mobile)

Walang opsiyon sa mga mobile app para idagdag ang Church record number sa iyong account. Kailangan mong lumabas sa app at gumamit ng isang browser sa iyong device, at pagkatapos ay sundin ang mga hakbang sa itaas para sa FamilySearch.org site o sa ChurchofJesusChrist.org site.

Mensaheng “User already exists”

Ang mensaheng, “It looks like you already have a member account” ay nangangahulugan na ang iyong Church record number ay idinagdag na sa isang umiiral na account. Posibleng na-set up mo ang iyong account upang gumamit ng ibang mga produkto sa computer ng Simbahan. Maaari mong idagdag ang iyong Church record number sa iyong Church Account. Tingnan ang kaugnay na artikulo sa ibaba para sa karagdagang tulong kung ginagamit na ang iyong Church record number.

Mga kaugnay na artikulo

Saan ko matatagpuan ang aking Church record number?
Nakalimutan ko ang aking FamilySearch password o username
Kapag sinubukan kong idagdag ang aking Church record number sa aking account, nakukuha ko ang mensaheng ang aking Church record number ay ginagamit na

Nakatulong ba ito?