Ang mithiin ng Family Tree ay tumulong na mapagsama-sama ang mga pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng pinakatumpak at pampublikong genealogical Family Tree sa mundo. Upang matupad ang mithiing ito, kailangan ng pagtutulungan ng iba’t ibang tao at, dahil dito, may mga pagkakamaling nagagawa.
Kapag may nakita kang mga pagkakamali, tandaan na hindi itinuturing na pang-aabuso ang mga hindi sinasadyang pagkakamali sa pagpasok ng petsa, pangalan, sources, relasyon, at iba pang bagay. Maaaring gumagamit ang ibang contributor ng ibang source ng datos. Huwag mag-atubiling gumawa ng mga pagwawasto at ipasok ang impormasyon mula sa pinakatumpak na mga source. Narito ang mga bagay na magagawa mo:
- Itama ang mga mali sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba pang contributor.
- Gamitin ang feature na Diskusyon para i-post ang impormasyon sa pagsasaliksik para sa iba pang collaborator.
- Gamitin ang feature na Follow para maabisuhan ka kapag may mga pagbabagong ginawa sa isang rekord.
- Tingnan ang mga artikulo na naka-link sa ibaba para sa mas detalyadong mga tagubilin kung paano ito isagawa .
Kung may mga tanong ka tungkol sa mga pagkakamali sa mga rekord na hindi mo malutas, kontakin ang FamilySearch Support.
Kaugnay na mga artikulo
Paano ko magagamit ang feature na diskusyon sa Family Tree?
Paano ko ire-report ang pang-aabuso, spam, hindi angkop na mga alaala, at iba pang nilalaman?