Paano ko ipo-format ang mga pangalan para maiwasan ang error na “Kailangan ng karagdagang impormasyon” kapag nagrereserba ng mga ordenansa?

Share

Upang maireserba ang pangalan ng ninuno para sa ordenansa sa templo, dapat mo munang tiyakin na tama ang format ng kanyang pangalan sa Family Tree. Kung hindi, makakatanggap ka ng mensaheng magsasabi sa iyo na kailangan pa ng karagdagang impormasyon. Ang wastong pagpo-format ng pangalan ng iyong ninuno ay maaaring nakakalito, lalo na kapag hindi mo alam ang buong pangalan. Alamin kung ano ang gagawin kapag hindi mo alam ang buong pangalan. 

Ang mga table sa ibaba ay nagbibigay ng mga halimbawa ng balido at hindi balidong mga format ng pangalan para sa mga ordenansa sa templo. 

Table 1: Alam mo ang pangalan ng asawang lalake, subalit ang pangalan ng asawang babae ay hindi kumpleto. 

TituloMga PangalanApelyidoNararapatTala
 Amy OoKapag ang apelyido sa pagkadalaga ay hindi alam at blangko.
Gng.*JeffFrazierOoAng pangalan ay nararapat kung ang titulong Gng. ay sinundan ng pangalan ng asawang lalake sa wastong mga linang.
ClarkOoAng apelyido sa pagkadalaga ng asawang babae ay alam, at ang unang pangalan ay hindi alam.
Gng. Jeff FrazierHindiIhiwalay ang pangalan sa iba-ibang bahagi. Ang mga bahagi ay hindi mapagsasama sa isang field.
Gng. Jeff FrazierHindi
Gng. JeffFrazierHindi
Gng.Jeff FrazierHindi
Gng.Hindi
Gng.Hindi
Gng.FrazierHindi

*Kabilang ang Gng., Gng, at mga katumbas sa lahat ng wika.

Table 2: Alam mo ang pangalan ng isa sa mga magulang, subalit ang pangalan ng anak na babae ay hindi kumpleto. 

TituloMga PangalanApelyidoNararapatTala
Binibini (Bb.)*DonnaFrazierOoNararapat ito sa titulong Binibini (Bb.)
FrazierOoKapag hindi alam ang unang pangalan, huwag magdagdag ng titulo.
Bb. Donna (Binibining Donna)FrazierHindiIhiwalay ang pangalan sa iba-ibang bahagi. Ang mga bahagi ay hindi mapagsasama sa isang field.
Bb. Frazier (Binibining Frazier)Hindi
Bb. Frazier (Binibining Frazier)Hindi
Binibini (Bb.)FrazierHindiAng titulong walang unang pangalan ay hindi balido.
Binibini (Bb.)FrazierHindiAng Binibini (Bb.) ay hindi balidong unang pangalan.
Binibini (Bb.)Hindi

*Kabilang ang Binibini (Bb.) at mga katumbas sa lahat ng wika.

Table 3: Alam mo ang pangalan ng isa sa mga magulang, subalit ang pangalan ng anak na lalake ay hindi kumpleto. 

TituloMga PangalanApelyidoNararapatTala
Ginoo (G.)*JohnFrazierOoNararapat sa titulong Ginoo (G.).
FrazierOoKapag hindi alam ang unang pangalan, huwag magdagdag ng titulo.
G. JohnFrazierHindiIhiwalay ang pangalan sa iba-ibang bahagi. Ang mga bahagi ay hindi mapagsasama sa isang field.
Ginoong FrazierHindi
G. FrazierHindi
G.FrazierHindiAng titulong walang unang pangalan ay hindi balido.
GinooFrazierHindiAng Ginoo (G.) ay hindi balidong unang pangalan.
GHindi

*Kabilang ang Ginoo, G., G, at mga katumbas sa lahat ng wika.

Paalaala: Huwag magdagdag ng anumang mga salitang hindi bahagi ng talagang pangalan ng tao—mga salitang gaya ng “hindi pinangalanan,” “Nanay,” “Asawang Lalake,” o “Tiya.” Ang mga ito ay pipigilan ka sa pagpapareserba ng pangalan at magiging sanhi ng pagtatanggap mo ng mensaheng humihingi pa ng karagdagang detalye. 

Kung naglagay ka ng isang tandang pananong sa halip na pangalan ng tao sa Family Tree, ang kanyang mga ordenansa ay magpapakitang “Kailangan ng karagdagang impormasyon.” Walang ordenansang magagawa hangga’t ang pangalan ay natagpuan at naipasok.

Kaugnay na mga artikulo

Anong mga salita at abbreviation ang nagiging sanhi para lumitaw ang “Kailangan ng karagdagang impormasyon”?
Paano ko dapat idagdag ang mga pangalan sa Family Tree?
Sa Family Tree, ano ang ibig sabihin ng “Kailangan ng karagdagang impormasyon”?

Nakatulong ba ito?