Maaari kang makahanap ng tulong online para sa paggamit ng FamilySearch mobile apps: Puno ng Mag-anak, Mga Memorya, Lumahok at Sama-sama ng FamilySearch. Kakailanganin ang koneksyon sa internet upang makuha ang tulong.
Mga mobile app ng Puno ng Mag-anak o Mga Memorya
- Habang nakalagda sa Puno ng Mag-anak o Mga Memorya na mobile app, pindutin ang tatlong guhit—kanang ibaba sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
- Pindutin ang Tulong.
- Pindutin ang Makipag-ugnayan sa Amin.
- Pindutin ang Kontakin ang Suporta.
- Pindutin ang mapa na kumakatawan sa iyong bahagi ng mundo.
- Nakikita mo ang mga pagpipilian sa suporta. Piliin kung paano mo nais makuha ng tulong.
Lumahok na app
- Habang nakalagda sa Lumahok na app, pindutin ang tatlong guhit o tatlong tuldok—kanang ibaba sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
- Pindutin ang Pag-aralan kung Paano Repasuhin ang Mga Pangalan o Pag-aralan kung Paano.
- Repasuhin ang pagtuturo.
Sama-sama ng FamilySearch
- Habang nakalagda sa Sama-sama ng FamilySearch mobile app, pindutin ang tatlong guhit—kanang ibaba sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
- Pindutin ang Puno ng Mag-anak. Bubuksan nito ang Family Tree app.
- Pindutin ang tatlong guhit—ibabang kanan sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
- Pindutin ang Tulong.
- Pindutin ang Makipag-ugnayan sa Amin.
- Pindutin ang Kontakin ang Suporta.
- Pindutin ang mapa na kumakatawan sa iyong bahagi ng mundo.
- Nakikita mo ang mga pagpipilian na suporta. Piliin kung paano mo nais makuha ng tulong.