Hindi ko makita ang nangungunang antas na menu o iba pang mga bahagi ng FamilySearch

Tiyakin muna na nakalagda ka sa FamilySearch.org website

Kung ang iyong browser ay nakatakdang gumamit ng ilang mga wika (hanggang Hunyo 2021 ang mga wikang ito ay: Pranses, Italyano, Portuges at Kastila) ang nangungunang antas na menu, na karaniwang may kasamang: Family Tree, Paghanap, Mga Memorya, Indeksing at Mga Gawain, ay maaaring walang sulat. Upang makita ang mga pagpipilian na menung ito, kailangan mo munang lumagda sa website ng FamilySearch.org.

Sa ibaba ay ilang iba pang mga kadahilanan na maaaring hindi maipakita nang tama ang webpage ng FamilySearch sa iyong tabing:            

  • Napakaliit ng iyong tabing upang maipakita ang lahat ng nilalaman, kaya hindi ipinapakita ang mga menu. 
  • Ang katangiang zoom ng iyong kompyuter ay epektibo. Ang tabing ngayon ay walang sapat na puwang upang ipakita ang buong nilalaman.
  • Ang isang taga-hadlang ng ad, programa sa kontrol ng magulang, antivirus software, taga-hadlang ng pop-up, firewall, o katulad na programa ay nakakaapekto sa iyong karanasan.   

Ipinapakita ang nangungunang menu kapag nawala ito

Kung napakalapit ang iyong pag-zoom, o kung gumagamit ka ng isang kagamitan na may maliit na tabing, ang nangungunang mga pagpipilian sa menu ay mawawala mula sa website ng FamilySearch.

  1. Sa kanang sulok, pindutin ang 3 pahalang na guhit upang makita ang pangunahing menu.
  2. Pindutin ang isang pana na pababa upang makita ang tukoy na mga bagay sa bawat menu. 

Ang pagsara sa isang taga-hadlang ng ad o katulad na programa

Ayusin ang mga settings ng programa na humarang sa display ng FamilySearch upang malutas ang ganitong uri ng problema. Iminumungkahi namin na humanap ka ng mga tukoy na tagubilin sa online o gamitin ang katangiang Tulong sa mga serbisyo at programa na ginagamit mo.
        
Narito ang ilan sa mga uri ng mga tagubilin o pamagat na maaari mong hanapin: 
 

  • Paano idadagdag ang isang website bilang pag-bukod sa mga lugar na pumipigil sa serbisyo.
  • Paano idadagdag ang isang website sa puting listahan ng programa.
  • Paano tatanggalin ang harang sa website.

Kung patuloy kang mayroong problema o hindi mahanap ang programang nagdudulot ng problema, kontakin ang Suporta ng FamilySearch, at susubukan naming matulungan ka. 

Magkakaugnay na mga lathalain

Bakit walang sulat sa FamilySearch?

Nakatulong ba ito?