Ang kabatiran ba sa Family Tree ay hindi lumilitaw ng wasto sa iyong tabing?Ang sumusunod na tsart ay mag-aalok ng ilang kadahilanan para sa problema at mga kalutasan para sa pag-ayos ng mga ito.
Posibleng Sanhi | Mga hakbang sa Pag-ayos |
---|
Hindi alam | Sa kanang itaas na bahagi ng screen ng puno, i-click ang icon na mukhang isang bahay. Kung ang marka na bahay ay hindi nagpapakita, sa ibabaw ng abo na larangan na ang angkan ay dapat magpakita, pindutin ang Mga Kamakailan. Sa kanan ng iyong pangalan, pindutin ang marka na angkan. |
Ang Family Tree ay wala sa tabing. | Hilahin ang tabing ng pababa at kanan upang lumantad at makita ang puno. |
Ang pangalan mo ay may mga marka na sipi o ibang mga sagisag sa iyong profile. | - Lumagda sa FamilySearch.org.
- Sa itaas ng kanang sulok, pindutin ang iyong pangalan.
- Sa lalabas na kahon, i-click ang Mga Setting.
- Pindutin ang markang Kuwenta.
- Sa kanan ng Mga Pangalan, i-click ang I-edit.
- Sa larangan ng Buong Pangalan, tanggalin ang mga marka na sipi o ibang mga sagisag.
Kung ikaw ay kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw at hindi mo maaaring ayusin ang larangan na ito, kontakin ang inyong ward o sangay na klerk. Maaari niyang ilagay sa panahon ang iyong tala ng simbahan . - Sa ilalim ng tabing, pindutin ang Ipunin ang mga Pagbabago.
- Mag-sign out sa FamilySearch.org.
- Lumagda uli.
|
Ang iyong firewall o security software ay humahadlang sa daan. | - Magpalit ng ibang browser (Google Chrome, Edge, o Firefox) upang matingnan ang Family Tree.
- Kung ang parehong problema ay umiiral sa maraming browser, malamang na ang ibang software sa iyong kompyuter ay humahadlang sa lugar.
- Kung ang problema mo lamang ay sa isang partikular na browser, tanggalin ang pansamantalang internet cache at mga salansan na kukis, at saka simulan muli ang browser. Kung patuloy ang problema, muling ilagak ang browser.
- Pansamantalang huwag pakilusin ang iyong firewall software. Ang pahina ng Family Tree ba ay lumalantad ng wasto?
Kung ang lugar ay hindi lumalantad ng wasto pagkatapos mong isara ang software, mangyaring kontakin ang iyong security software manufacturer. Sabihin mo sa kanila na idagdag ang mga lugar sa ibaba bilang pinahintulutang mga lugar:
- *.familysearch.org
- edge.fscdn.org
|
Ang internet browser mo ay lipas na sa panahon. | - Tingnan ang iyong kasalukuyang browser bersyon, at ilagay sa panahon ito sa pinakahuling sipi. Ang FamilySearch ay itinataguyod ang Chrome, Edge, Firefox, at Safari. Paalaala: Hindi na namin itinataguyod ang anumang bersyon ng Internet Explorer.
- Kung gumagamit ka ng Mac, tingnan ang kaparaanan na gumagawa upang matiyak kung ito ay kasalukuyan. Hindi mo maaaring ilagay sa panahon ang Safari browser ng hiwalay.
- Gumamit ng ibang internet browser.
|
Ghostery (isang add-on browser na humahadlang sa pagsubaybay mula sa mga website) ay humahadlang sa FamilySearch.org dahil sa Adobe TagManager. | - Sa iyong browser bar, pindutin ang Ghostery ikon.
- Pindutin ang Adobe TagManager at pakilusin ito.
- Pindutin ang muling ilagay.
Paalaala: Ang Ghostery ay apektado ang Source Linker din sa FamilySearch.org. |
Ang isang proxy server ay humahadlang sa daan. | Tanggalin ang pagpipilian na Use proxy server sa iyong browser kung hindi mo dapat gamitin ang proxy server. |
Ang White Sky Fast Connect ay humahadlang sa daan. | - Kung gumagamit ka ng White Sky Fast Connect, mangyaring tanggalin ito sa control panel.
- Tanggalin ang palugit sa Google Chrome (kung maaari).
- Tanggalin ang Add-on sa Mozilla Firefox (kung maaari).
|
Mangyaring makipag-ugnayan sa Suporta ng FamilySearch kung hindi mo kayang lutasin ang isyung ito.
Magkakaugnay na mga lathalain
Hindi ko makita ang pangunahing antas na menu o ibang mga bahagi ng FamilySearch