Maaari ko bang hilingin sa FamilySearch na gawing digitize ang isang aklat?

Share

Ang mga lagay na aklat sa katalogo ng FamilySearch ay maaaring ipakita bilang maaaring gamitin lamang sa pormang aklat. Maaari kang makipag-ugnay sa amin upang hilingin na gawing digital ang aklat at idagdag sa Aklatang Digital ng FamilySearch.

Mga hakbang

  1. Sa Katalogo, hanapin ang aklat na kailangan mo.
  2. Kung ang aklat ay digitized at online, ang bahaging Mga Paalaala ay naglalaman ng ugnay nito sa Aklatang Digital ng FamilySearch. Ilang mga aklat ay ginawang digitize, ngunit wala kaming pahintulot na ilagay ang mga ito online, kaya mag-balumbon pababa sa bahaging Film o Digital na mga paalala. Kung makakita ka ng Bilang ng Larawan ng Pangkat (DGS) para sa aklat, ito ay ginawang digitize, ngunit wala kaming pahintulot na ilathala ang aklat online.
  3. Kung hindi ginawang digitize ang aklat, magpadala ng email sa DigitalLibrary@familysearch.org. Ibigay ang kabatirang ito sa katawan ng email:
    • Hilingin na gawing digitize ang aklat
    • Pamagat, may-akda, at tawag na bilang ng aklat
    • Ang iyong pangalan, telepono, at email adres
  4. Ipadala ang email.

Tandaan ang mga bagay na ito kapag ginawa mo ang iyong kahilingan:

  • Hindi namin maaaring gawing digitize ang ilang mga aklat dahil sa copyright o ibang mga ligal na paghihigpit.
  • Wala kaming palagay kung gaano katagal gawin digitize ang aklat.
  • Sa maraming pagkakataon, hindi ka namin ko-kontakin kapag ang digitization ay nakumpleto. Suriin ang katalogo minsan-minsan upang makita kung ang nilalaman na kailangan mo ay online.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko hahanapin ang digitized na aklat sa Aklatang Digital ng FamilySearch?

Nakatulong ba ito?