Ang pangunahing pahina ng FamilySearch ay aalok ng mga paraan sa pagtuklas ng iyong mga ninuno at ibahagi ang mga memorya ng mag-anak.
Kapag lumagda ka sa iyong kuwenta na FamilySearch, ang mga pansariling pagkakataon ay lumilitaw sa pangunahing pahina.
- Pagsasaliksik sa Lahat ng Koleksyon. Suriin ang iyong mag-anak sa mga talang pangkasaysayan, Family Tree, at marami pa na mayroong isang napakahusay na pagsasaliksik.
- Mga pahiwatig. Mga ugnay sa mga kasulatan na maaaring mag-banggit ng isa mong mga ninuno. Maaari mong muling suriin at ikabit ang kasulatan sa Family Tree bilang mga pagkukunan.
- Iminungkahing mga Gawain.Mga bagay na maaari mong gawin ngayon upang mapalawak ang iyong gawaing family history, mula sa pagkakabit ng mga kasulatang pangkasaysayan hanggang sa pag-puno ng mga puwang sa iyong family tree.
- Mga Taong Kamakailan.Isang listahan ng mga tao sa family Tree na ang mga talaan ay tiningnan mo kamakailan.Sa dulo ng listahang ito ay isang pagpipilian upang magdagdag ng isang taong walang kaugnayan sa Family Tree.
- Listahan-ng-gagawin.Isang kagamitan na tutulong sa iyo upang subaybayan ang mga takda at layunin ng family history.
- Mga memorya na Idinagdag.Mga larawan, kasulatan, at mga kuwentong idinagdag kamakailan ng ibang mga tagagamit sa iyong family tree.
- Mga kahon ng ibang kabatiran sa ugnay ng pangunahing pahina sa mga katangian ng FamilySearch na maaaring hindi mo pa nasubukan.
Subukan ang mga bagong katangian ng pangunahing pahina
Pagkatapos mong lumagda, sa kanang sulok sa tuktok, hanapin ang “Subukan ang bagong mga katangian sa pangunahing pahina” na may isang kahaliling bigkis. Kung bubuksan mo ang kahaliling bigkis, makikita mo ang sumusunod na mga katangian ng pangunahing pahina.
Ang marka na Tahanan
- Ang Iyong Balangkas. Kabilang sa balangkas ay ang kasalukuyan mong larawan, pangalan, ID ng kontak, at lugar. Nakikita mo rin ang buod ng mga pagbabagong ginawa mo sa lugar sa taong ito.
- Magdagdag ng Mga Kaibigan. Ang mabilis na paraan sa pagpapadala ng ugnay sa mag-anak o mga kaibigan upang payagan silang makita ang iyong mga balita at magdagdag ng mga puna. Mayroon ka ring isang madaling ugnay sa mga pangkat ng Mag-anak.
- Lumikha ng isang balita. Papayagan kang magdagdag ng larawan mula sa iyong kagamitan o galeriya ng FamilySearch at ibalita ito upang ibahagi sa mga kaibigan at mag-anak.
- Idinagdag na mga memorya.Mga larawan, kasulatan, at mga kuwentong idinagdag kamakailan ng ibang mga tagagamit sa iyong family tree.
- Pag-tuklas na Pagsasaliksik. Suriin ang iyong mag-anak sa mga talang pangkasaysayan, Family Tree, at marami pa na mayroong isang napakahusay na pagsasaliksik.
- Mga Taong Kamakailan.Isang listahan ng mga tao sa family Tree na ang mga talaan ay tiningnan mo kamakailan.Sa dulo ng listahang ito ay isang pagpipilian upang magdagdag ng isang taong walang kaugnayan sa Family Tree.
- Iminungkahing mga Gawain. Mga bagay na maaari mong gawin ngayon upang ituloy ang gawain sa kasaysayan ng iyong mag-anak, mula sa pagkakabit ng mga kasulatang pangkasaysayan hanggang sa pag-puno ng mga puwang sa iyong family tree. Tandaan: Pagkatapos magkabit ng isang tala mula sa listahan ng Iminungkahing Mga Gawain, sariwain ang pangunahing pahina upang tanggalin ang pahiwatig ng tala mula sa listahan.
Ang markang Mga Kaibigan
Magpadala ng isang paanyaya sa mag-anak at mga kaibigan, at magbahagi ng mga memorya.
Ang markang Mga Gawain
Iminungkahing mga Gawain.Mga bagay na maaari mong gawin ngayon upang mapalawak ang iyong gawaing family history. Kabilang sa mga gawain ay ang pagkakabit ng mga kasulatang pangkasaysayan at mga paraan upang punan ang mga puwang sa iyong family tree.
Ang markang Mga Kamakailan
Mga Taong Tiningnan Kamakailan. Tingnan ang isang listahan ng mga taong tiningnan mo kamakailan sa Family Tree.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko ikakabit ang mga pahiwatig na tala sa Family Tree?
Paano ko ikakabit ang isang talang pangkasaysayan sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko tatanggalin o ibabalik ang isang larawan o tao mula sa aking pangunahing pahina?