Ano ang mga bilang ng tawag sa Katalogo ng FamilySearch?

Share

Sa Katalogo ng FamilySearch sa FamilySearch, ang katawagang “bilang ng tawag” ay partikular na tumutukoy sa mga bilang ng mga aklat, mapa, pahayagan, at ibang mga limbag na materyales. Ang mga bilang ng pagkakakilanlan para sa mga maliliit-na-pelikula ay tinatawag na “mga bilang ng pelikula. Ang mga digital na tala ay may “Bilang ng Pangkat ng Larawan,” na tinatawag ding isang “bilang ng DGS.”

Ang mga bilang ng tawag ay batay sa Dewey Decimal Classification. Ang Aklatang FamilySearch ay gumagamit ng isang pagbabago ng Dewey Decimal Classification para sa mga bagay tungkol sa isang lugar o para sa mga tala mula sa isang lugar.

Halimbawa, ang bilang ng tawag ay maaaring 944.22 R2s. Ang 944.22 ay sumasagisag sa kagawaran ng Calvados ng Pransya. Ang R2 ay nagpapahiwatig na ang paksa ay lupa at ari-arian. Ang “s” ay naghihiwalay sa bagay na ito sa ibang mga bagay tungkol sa parehong paksa.

Ang pag-alam sa bilang ng tawag ng isang bagay ay makatutulong sa iyong mahanap ito sa Aklatan ng FamilySearch sa Salt Lake City, Utah, Estados Unidos. Sa isang tatak ng aklat, ang karamihan sa mga bilang ng tawag ay nasa 2 o higit pang mga guhit. Ang unang 2 hanay ay nagbibigay ng kabatiran na nagbibigay-daan sa iyong mahanap ang aklat sa mga lalagyan. Ang ibang mga guhit ay nagsasabi ng mga salin at mga kopya ng gawain. Ang isang kasapi ng kawani o boluntaryo sa aklatan ay magiging masaya na tulungan kang mahanap ang isang bagay.

Ang mga aklat, mapa, pahayagan, at ibang limbag na materyales sa Aklatan ng FamilySearch ay hindi maaaring ilabas. Hindi rin ikinakalat ang mga ito sa ibang mga kapaligiran. Kung hindi ka maka-dalaw sa aklatan, maaari kang humanap ng digital na kopya ng isang aklat sa Aklatang Digital ng FamilySearch. Maaari mo ring suriin ang OCLC WorldCat upang makita kung mayroon nito sa ibang aklatan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako maghahanap sa Katalogo ng FamilySearch para sa mga tala?
Anong kabatiran ang nasa lagay ng Katalogo ng FamilySearch?

Ano ang mga oras sa Aklatan ng FamilySearch?
Paano ako hahanap ng isang digital na aklat sa Aklatang Digital ng FamilySearch?

Nakatulong ba ito?