Hindi namin ipinagbibili ang genealogical film o fiche. Ang aming koleksiyon ng microfilm ay na-digitized at maaari mong matingnan ang karamihan nito sa aming website. Pag-asa namin na malapit nang simulan na ma-digitize ang aming koleksyon ng microfiche.
Sapul pa noong 2011, hindi na kami nagbebenta ng mga kopya ng mga materyales na ito sa labas ng kapisanan gaya sa genealogical societies, historical societies, publiko o kaanib na mga aklatan.
Patuloy kaming nagbibigay ng mga kopya ng microfilms sa mga tagapag-alaga ng orihinal na mga tala. Ang tagahawak ng copyright o tagapag-alaga ng mga talang orihinal ay maaaring kontakin ang Outside Sales sa 1-801-240-6124 upang makakuha ng kopya ng talang orihinal.