Ang pop-up blocker sa iyong browser ay maaaring manghimasok sa gawain ng mga website ng FamilySearch. Maaari mong ayusin ang iyong browser upang payagan ang mga pop-up mula sa FamilySearch.
Firefox
- Sa kanang itaas na sulok ng bintana ng Firefox, pindutin ang buton na menu.
- Pindutin ang Mga Kaayusan.
- Sa kaliwang tabi ng tabing, pindutin ang Kasarinlan at Katiwasayan.
- Sa bahaging Mga Kapahintulutan, sa kanan ng bintana ng Block pop-up , pindutin ang Mga Hindi Saklaw,
- Sa kahon ng Adres ng website, ilagay ang https://www.familysearch.org.
- Pindutin ang Payagan.
- Pindutin ang Ipunin ang Mga Pagbabago .
Google Chrome
- Sa browser toolbar, pindutin ang Chrome menu button.
- Pindutin ang Mga Kaayusan.
- Sa kaliwa, pindutin ang Kasarinlan at Katiwasayan.
- Pindutin ang Mga Kaayusan ng Pook.
- Pindutin ang Pop-ups at muling ituro.
- Sa ilalim ng Payagan, pindutin ang Idagdag, at ilagay ang https://www.familysearch.org.
- Pindutin ang Idagdag.
Safari
- Mga tagagamit ng Windows, pindutin ang Ayusin at saka Mga Kagustuhan. Mga tagagamit ng Mac, pindutin ang Safari at saka Pamahalaan ang Mga Hindi Saklaw.
- Sa tuktok ng bintana, pindutin ang Katiwasayan.
- Pindutin upang matanggal ang tsek sa kahon ng tsek sa tabi ng Mga bintana ng Block pop-up.
Microsoft Edge
Ang Edge ay walang kontrol sa pop-up para sa partikular na mga website. Maaari mo mang hadlangan ang mga pop-up o hindi. Upang payagan ang mga pop-ups, gawin ang sumusunod:
- Sa kanang itaas pindutin ang markang menu.
- Pindutin ang Mga Kaayusan.
- Pindutin ang Cookies at mga pahintulot sa pook.
- Sa bahaging Lahat ng Kapahintulutan, hanapin ang mga Pop-up at muling ituro. Kung nakikita mo ang Pinapayagan, hindi mo kailangang gumawa ng anumang bagay. Kung hindi, pindutin ang mga Pop-up at muling ituro.
- Pindutin ang bigkis para sa Harang upang isara ito.
Kung hindi mo gustong payagan ang mga pop-up para sa lahat ng mga website, maaari kang pumili ng ibang browser.