Where am I from logo
saan ako nanggaling - pamilyang sama-samang tumitingin sa mga retrato

Saan Ako Nanggaling?

Alamin kung saan talaga nagsimula ang iyong kuwento—tingnan ang mga lugar, kultura, at tradisyon na humubog sa iyong mga ninuno (at humubog sa iyong pagkatao).

Mahalagang Malaman Kung Saan Ka Nanggaling

“Saan ako nanggaling?” Ito ay simpleng tanong na walang simpleng sagot. Ang iyong pinanggalingan ay higit pa sa isang tuldok sa mapa, at ang impluwensya nito sa iyo ay higit pa sa inaakala mo.

Ang kaalaman tungkol sa mga lugar kung saan ka tumira ay nagbibigay ng kahulugan at konteksto sa buhay mo ngayon. Ang mga bayan, bansa, kultura, at tradisyon kung saan ikaw at ang iyong mga ninuno ay nanirahan at naranasan ang humuhubog sa iyong pamana.

Simulang Tuklasin ang Iyong Pamana

Pinadadali ng “Saan Ako Nanggaling?” ng FamilySearch para sa iyo na makita kung saan ka tumira at ang iyong mga ninuno. Tinutulungan ka rin nitong matuklasan ang mga kultura at tradisyon ng mga lugar na iyon. Malalaman mo kung saan nanirahan ang iyong mga ninuno noong nagaganap ang mahahalagang bahagi ng kasaysayan at mapagninilayan mo kung paano nakaapekto sa kanilang buhay ang mga pangyayaring ito.

Ang “Saan Ako Nanggaling?” ay nagbibigay ng apat na mahahalagang karanasan.

generations icon

Mga Henerasyon

Gamitin ang isang interactive at pandaigdigang mapa para matukoy kung saan tumira ang iyong mga ninuno.

family lines icon

Mga Angkan ng Pamilya

Tingnan kung saan nagpalipat-lipat ang iyong pamilya sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa loob ng maraming henerasyon.

heritage icon

Pamana

Tuklasin kung saan galing ang iyong mga ninuno at alamin ang pamana ng inyong inang-bayan.

timeline icon

Timeline

Alamin kung saan nakatira ang iyong mga ninuno noong nagaganap ang mahahalagang pangyayari sa mundo.