Ang Aking Calling: Temple and Family History ConsultantAno ang Aking Pagtutuunan?

Bilang isang ward temple and family history consultant, tinutulungan mo ang mga indibidwal at pamilya na lumapit kay Cristo habang nakikibahagi sila sa family history at gawain sa templo. (Pangkalahatang Hanbuk 25.2.4).

Ang mga hakbang sa ibaba ay makakatulong sa iyo na magsimula.

Pangulong Dallin H. Oaks
“Ang doktrina ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nakasentro sa pamilya. Ang templo ay mahalaga sa ating doktrina tungkol sa pamilya. Ang mga ordenansang natatanggap doon ay nagbibigay-daan sa atin na makabalik bilang mga walang hanggang pamilya sa piling ng ating Ama sa Langit.”

Pangulong Dallin H. Oaks, Ang Nakasentro sa Pamilya na Ebanghelyo ni Jesucristo

Palaging Magtuon Muna sa Tagapagligtas

Kapag inaanyayahan mo ang mga miyembro na sumamba sa bahay ng Panginoon at magsagawa ng mga ordenansa para sa mga ninuno, magsimula sa Tagapagligtas. Ibahagi kung paanong ang mga tipan at ordenansa ng templo ay nagbibigkis sa atin sa Tagapagligtas, nagbibigay sa atin ng gabay at kapanatagan, at nagbibigay sa atin ng lakas mula sa Kanyang proteksiyon at kapangyarihan.

[Sa dispensasyon] ng kaganapan ng panahon, [ay titipunin] ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.

Efeso 1:10

Gamitin ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa

Tulungan ang mga miyembro na gamitin ang Mga Ordenansang Handa—ang pinakamadaling paraan para mailapit ang lahat ng miyembro sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng matagumpay na paghahanap ng mga pangalan ng kapamilya na nangangailangan ng mga nakapagliligtas na ordenansa ng templo. Alamin ang Iba pa

Idagdag ang Nalalaman Mo

Hikayatin ang lahat ng miyembro na idagdag sa kanilang family tree ang mga alam na nila—mga pangalan, retrato, kaganapan sa buhay, kuwento, at iba pang mga alaala ng mga mahal sa buhay na maaaring mailapit sa Tagapagligtas.

Ang mga lider na tinutulungan ang mga bagong miyembro at mga kabataan na maghanda para sa kanilang unang binyag at kumpirmasyon sa templo ay magagamit angFamily Name Assist.

Mga Resource na Maaaring I-download

PDFFlyer ng Mga Ordenansang Handa nang Isagawa

Ang downloadable flyer na ito ay may impormasyon tungkol sa Mga Ordenansang Handa nang Isagawa at isang link para magamit ito.

I-download ang Flyer

LessonPagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-hanggan

Ang lesson outline na ito ay makakatulong sa iyo na ituro ang mga pagpapalang dumarating sa paglilingkod sa templo at family history.

Pumunta sa Lesson

Mga Ipinangakong Pagpapala

Bilang isang consultant, maaari mong tulungan ang mga miyembro na maranasan ang mga pagpapala ng pagtuklas sa kanilang mga ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.