Ang Aking Calling: Temple and Family History ConsultantAno ang Aking Pagtutuunan?
Bilang isang ward temple and family history consultant, tinutulungan mo ang mga indibiduwal at pamilya na lumapit kay Cristo habang nakikibahagi sila sa gawain sa family history at templo.
(Pangkalahatang Hanbuk 25.2.4).
Ang mga hakbang sa ibaba ay makatutulong sa iyo na magsimula.

Si Jesucristo ang dahilan kung bakit tayo nagtatayo ng mga templo.
Pangulong Russell M. Nelson

1. Magsimula sa Tagapagligtas
Habang tinutulungan mo ang iba, ibahagi kung paanong ang mga tipan at ordenansa ay naglalapit sa atin sa Tagapagligtas, nagbubuklod sa atin sa Kanya, at nagbibigay sa atin ng lakas mula sa Kanyang kapangyarihan.
2. Gamitin ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa
Ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ang pinakamadaling paraan upang makahanap ng mga indibiduwal na kailangang magsagawa ng mga ordenansa sa templo.

3. Buuin ang Iyong Family Tree
Ang pagbuo ng family tree online ay makatutulong sa mga miyembro na maranasan ang kagalakan sa pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanilang mga sariling yumaong ninuno.

4. Idagdag ang Nalalaman Mo
Kapag mayroon ka nang isang family tree, maaari kang patuloy na magdagdag ng mga pangalan sa iyong tree. Maaari ka ring magdagdag ng mga alaala ng pamilya (mga larawan, teksto, audio, at iba pa).
Mag-download ng Mga Resource sa Pagsasanay
Mga Ipinangakong Pagpapala
Bilang isang consultant, maaari mong tulungan ang mga miyembro na maranasan ang mga pagpapala ng pagtuklas sa kanilang mga ninuno at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.
Karagdagang Resources
Alamin pa ang tungkol sa iyong tungkulin at sa mga resource na available upang matulungan ka.