Ang RootsTech 2024 ay nalalapit na, at inaasam naming maging punong abala sa taunang Family Discovery Day natin sa Sabado ng Marso 2, 2024, sa panahon ng kumperensya.
Sa taong ito, isaisip, kumonekta, at damhin ang impluwensya ng pamilya kapiling ang iyong mga mahal sa buhay sa Family Discovery Day.
Makibahagi online sa Family Discovery Day 2024 sa pamamagitan ng paglahok sa mga live-stream ng mahahalagang kaganapan.
Ang Mensahe ng Pamilya ng Yumaong Pangulong M. Russell Ballard sa Discovery Day
Isang espesyal na mensahe ng Family Discovery Day ang ibo-brodkast sa ganap na 1:30 N.H. MT sa Marso 2, 2024. Sa RootsTech 2024, isang pelikulang hindi pa kailanman naipalalabas (ginawa noong 2023) ang mapapanood tungkol sa pagbabalik-tanaw ng yumaong Pangulong M. Russell Ballard sa sariling kwento ng kanyang pamilya at pamana ng mga pioneer na ninuno sa kanya.

Si M. Russell Ballard ay naglingkod bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw magmula noong 2018 hanggang sa kanyang kamatayan noong 2023, at maganda ang naging impluwensiya niya sa buhay ng marami.
Ang nakatataba ng pusong debosyon niya sa yumaong asawang si Barbara, ang matagumpay na pagsasama nila bilang mag-asawa, ang pagpapalaki ng kanilang 7 anak, at ang pamana mula sa kanyang mga pioneer na ninuno ay isasalarawan lahat sa isang tunay na inspiradong pelikula na nakunan bago siya pumanaw noong nakaraang taon.
Ang mensahe ni Pangulong Ballard sa pelikulang ito ang bubuo sa kahulugan ng pag-alaala, na siyang tema ng RootsTech 2024. Ipapaalala niya sa atin ang kapanatagan at kahulugan ng buhay sa paggugol natin ng oras sa pag-alaala sa ating mga naunang ninuno at mag-iwan ng alaala ng ating sariling buhay para sa angkan natin sa hinaharap.
Mapapanood mo ang video nang live sa rootstech.org.
Mga Klase sa Family Discovery Day
May mga klase pang idaraos sa RootsTech sa araw ng Sabado para sa lahat ng nagrehistro sa Family Discovery Day nang libre. Kung lalahok ka online, ang kailangan mo lang gawin ay magrehistro para sa libreng online event!

Matututuhan mo mula sa mga eksperto sa genealogy kung paano magsimula sa paglalakbay sa pagtuklas kung sino ka. Dadalhin ka nila sa isang karanasan ng pagkilala sa sarili at pamilya upang matulungan kang mas maunawaan kung saan ka nagmula.
Ang mga klase ay magsisimula sa “Opinyon ng isang propesyonal tungkol sa pangangalaga ng iyong kwento,” na ituturo ng propesyonal na basketball star na si Jimmer Fredette, at “Pagbibigay ng mga karanasan sa pagsasaliksik ng pamilya sa nakababatang henerasyon,” na ituturo ni Christine Francis. Kung nagsisimula ka pa lang alamin ang kuwento ng iyong pamilya, may nakalaan para sa iyo sa Family Discovery Day 2024! Kung interesado ka sa mas advanced na impormasyon para sa family history, tingnan ang iba pa naming mga klase sa rootstech.org.
Ano Ang RootsTech?
Ang RootsTech ay isang lugar para matuto, makatanggap ng inspirasyon, at makabuo ng mga ugnayan sa pamamagitan ng family history. Pinangangasiwaan ng FamilySearch at itinataguyod ng iba pang nangungunang organisasyon sa genealogy, mayroon kaming daan-daang klase mula sa mga eskperto, tips at tricks na mga video, at nagbibigay-inspirasyong mga kuwento na makatutulong sa iyo na magkaroon ng karanasan sa family history nang higit pa kaysa dati. Bisitahin ang aming on-demand learning library, o gumawa ng mga plano na samahan kami sa susunod naming virtual o in-person na conference event.