Pinakamalaking libreng online family tree
Tutulungan ka ng FamilySearch na iugnay ang nakaraan, kasalukuyan ,at hinaharap. Gumawa ng account para makabuo ng isang family tree, maghanap ng mga genealogy record, at ingatan ang kasaysayan ng iyong pamilya nang libre magpakailanman.

Tracing Your Chinese Roots
Explore the guide
Guangdong Village Finder
Start searching
1:59
Ipagpatuloy ang Pamana ng Inyong Pamilya sa Pag-iingat ng mga Record o Talaan

Ano ang FamilySearch?
Ang FamilySearch ay isang nonprofit organization na nagbibigay ng libreng serbisyo para sa lahat. Ang aming malawak na mga family history resource ay tumutulong sa milyun-milyong tao sa buong mundo na tuklasin ang mga pinagmulan ng kanilang pamilya at kumonekta sa kanilang mga kapamilya.
May apat na henerasyon lamang ang aking family tree, ngunit alam ko na may ilan akong kamag-anak na nagmula sa mainland China na mayroong makapal na clan genealogy book (jiapu). Yumao na ang aking ama, at hindi ko kilala ang mga kamag-anak ko sa mainland China at hindi ko alam kung paano ko sila makokontak. Sa kalagitnaan ng Oktubre 2020, nakita ko na ang FamilySearch ay mayroong bagong search feature, kaya ginamit ko ang tool na ito para hanapin ang mga generation character ng aking mga ninuno at pagkatapos ay sinundan ko ang linya para mahanap ang mga pangalan ng aking ama, lolo, at lolo-sa-tuhod. Pakiramdam ko na parang treasure hunt ito. Hindi ko naisip kung gaano kalawak ang aking angkan—mga tao na may magkakaparehong generation characters ang pumuno sa maraming aklat—at kinailangan kong maging matiyaga sa paghahanap sa bawat pahina. Pagkalipas ng dalawang araw na paghahanap, sa wakas ay nahanap ko na rin ito. Hindi mailalarawan ang galak na nadama ng aking puso. Tunay nga itong kayamanan magpakailanman.Chang Pei-peiFamilySearch user, Taiwan
[Ang FamilySearch] team ay nagdaos ng isang Zoom workshop para sa Genealogy Society Singapore noong nakaraang taon, kung saan ipinakilala ang FamilySearch software at ang malawak nitong database. Ang kanilang aktibong pakikibahagi sa chat group ay sumuporta sa maraming miyembro ng GSS sa pagsasaliksik ng kanilang mga ninuno. Naipamalas nito ang dedikasyon at propesyonalismo ng mahusay na team.Lee Khong KeeProgram Development Director, Genealogy Society Singapore
Nagpapasalamat kami sa pagtulong ng Family Search sa pagsasaayos ng microsite para sa 2022 Chinese New Year sa Singapore Chinese Cultural Centre.
Ang Shanghai Library at FamilySearch ay unang nagtulungan sa katapusan ng nakaraang siglo, at ang aming pormal na pagtutulungan sa pagkolekta, pag-organisa, pagsasaliksik, at pagbibigay ng mga serbisyong may kaugnayan sa mga Chinese clan genealogy (jiapu) ay tumagal na nang mahigit 20 taon. Ang mga clan genealogy ay nagtatala ng mga angkan, indibiduwal, at mga gawa ng mga magkakamag-anak na pareho ang pinagmulang ninuno. Ang mga ito ay mahalagang bahagi ng pamanang pangkultura ng sangkatauhan at mahahalagang kasangkapan para as genealogy, pang-akademikong pagsasaliksik, at pagtatatag ng kaayusan sa lipunan. Ito ay lubos na naaayon sa pagkaunawa ng FamilySearch sa genealogy.Zhou DemingDating Deputy Director, Shanghai Library



