The Piano Guys
Mula nang di-inaasahang mabuo sa isang piano shop sa Southern Utah, naitatag na ng THE PIANO GUYS ang kanilang sarili bilang isang hindi mapipigilang puwersa sa larangan ng musika. Sila ay binubuo nina Jon Schmidt (pianist, songwriter) at Steven Sharp Nelson (cellist, songwriter), at ang kanilang masigla at malikhaing pagtatanghal ay nakapukaw ng pansin ng maraming tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Unang binuo bilang isang grupo sa YouTube na itinatag ni Paul Anderson (producer, videographer) at kabilang ang malikhaing music producer at songwriter na si Al van der Beek, sumikat ang The Piano Guys sa YouTube at mayroon na sila ngayong mahigit 2 Bilyong YouTube views.
Noong taong 2023, inilabas ng The Piano Guys ang kanilang ika-13 album, ang “Unstoppable,” isang koleksiyon ng masisigla at makabagbag-damdaming cover songs na isinulat sa nakaraang dalawang taon. Mula nang opisyal silang nagsimula noong 2011, ang The Piano Guys ay nakapaglabas na ng 13 album, kabilang na ang anim na No. 1 debut sa Billboard’s Top Classical Albums chart. Ang kanilang musika ay na-stream na sa iba’t ibang bahagi ng mundo nang mahigit 2 bilyong beses, habang ang kanilang mga video sa YouTube ay nakakuha ng higit sa 2 bilyong views. Sa Spotify naman ay mayroon silang halos 2 milyong tagapakinig buwan-buwan. Si Jon at Steven ay nakapag-sold out na ng mga concert venue sa iba’t ibang bahagi ng mundo, at ang natatanging brand ng The Piano Guys ay kinilala ng mga publikasyon na tulad ng The New York Times, Fast Company, BuzzFeed, at Mashable, at lumabas din sila sa CBS Sunday Morning, TODAY Show, Good Morning America, at The Tonight Show.
“Sino ang mag-aakala na ang mga nakatatandang ama mula sa Utah na kinukunan ng video ang kanilang sarili sa kalikasan habang tumutugtog ng musikang hango sa klasikal na musika ay magtatagumpay?” ang tanong ni Steven Sharp Nelson. “Mahilig kaming gumawa ng mga bagay na tila imposible. Hilig naming pagsamahin ang mga bagay na hindi inaasahang mapagsasama—pero medyo magkaugnay naman para madaling paniwalaan. Ito na ang nais namin magawa mula pa noong simula.”
Lahat ng Sesyon at Wika
Mga Tampok sa 2025 Family Discovery Day| The Piano Guys
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, The Piano Guys
Destaques do Dia de Descoberta Familiar 2025 | The Piano Guys
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, The Piano Guys
Meilleurs moments de la Journée de découverte de la famille de 2025 | The Piano Guys
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, The Piano Guys
Faamatalaga Taua o le Aso o le Mauaina o Aiga 2025 | The Piano Guys
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, The Piano Guys
2025年「家庭探索日」精選片段|酷音樂團(The Piano Guys)
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, The Piano Guys
A 2025-ös Családismereti nap kiemelkedő eseményei| The Piano Guys
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, The Piano Guys