Narinig mo na bang pag-usapan ng iyong mga kaibigan at kapamilya ang tungkol sa DNA ngunit hindi mo pa alam ang tungkol dito? Iniisip mo ba kung para sa iyo ang DNA test? Halina’t matuto tungkol sa DNA, bakit ito mahalaga, aling mga test ang maaari mong gawin, at paano ito maaaring makatulong sa iyo sa iyong family history.
Marami kang pagpipiliiang DNA testing company. Bawat kompanya ay may iba’t ibang karanasan at pokus. Ang pagpili mo ay nakadepende sa gusto mong malaman. Kabilang sa sumusunod na mga DNA company ang “cousin matches” para matulungan kang matuklasan ang iyong mga ninuno at gumawa ng mga koneksyon ng pamilya.
Nakakuha ka na ba ng DNA test pero hindi ka sigurado kung ano ang gagawin mo sa nakuha mong mga resulta? Magagamit mo ang iyong DNA data sa maraming paraan, depende sa gusto mong matutuhan at maisakatuparan. Narito ang ilang iminumungkahing opsiyon.
Habang mas nalalaman mo tungkol sa DNA, maaaring may mga terminolohiya kang makita na hindi pamilyar sa iyo, at maaaring may ilang tanong ka. Alamin ang iba pa tungkol sa mga di-pamilyar na terminolohiya, at kumuha ng sagot sa mga karaniwang tanong sa ibaba.
This segment will cover the basics of DNA.
You've taken the DNA test. Now what do you do? Come learn how to use your DNA results to help you find answers to your genealogy research questions. This class will cover cousin matches, adoptions, and brick wall research.
Paggamit ng DNA sa pagsasaliksik ng family history research
Ang DNA testing ay naging malaking bahagi na ng genealogy at family history. Ang mga DNA na magkatugma, na kung minsan ay tinatawag na mga cousin potch, ay maaaring makatulong upang malutas ang mga problema sa pagsasaliksik ng family history, matulungan ang mga inampon na mahanap ang kanilang mga tunay na pamilya, at humantong sa kapana-panabik na mga bagong pagtuklas ng family history.