Kung minsan kapag sinusubukan ng isang user na tingnan ang mga relasyon, sinasabi ng relationship viewer na “Hindi Alam ang Relasyon.” Narito ang ilang dahilan kung bakit nangyayari ito at ang mga potensyal na solusyon:
Kailangang i-enable ang mga pahintulot
Kapag kumokonekta ang mga user gamit ang messaging, matitingnan nila ang relasyon nila sa isa’t isa. Para matingnan ang relasyon, kailangang parehong i-enable ng mga user ang relationship viewing. Pumunta sa iyong Settings, at i-turn on ang I-enable ang Relationship Viewing. Pinapayagan nitong makita mo at ng iba pang mga user ang relasyon nila sa iyo, gayundin ang sinumang magkaparehong mga ninuno ninyo. Ang pahintulot na ito ay hindi nakakaapekto sa relationship viewing sa pagitan mo at ng mga tao sa iyong family tree.
Kailangan ng iyong family tree ng iba pang data
Kung hindi mo pa naidaragdag ang iyong pamilya sa tree, hindi kami makakahanap ng sinumang mga kamag-anak mo. Kakailanganin mong magpasimula ng isa upang magkaroon ng impormasyon sa Family Tree tungkol sa iyo para makapaghanap.
Kung may nasimulan ka nang family tree, maaaring kailangan mo lamang magdagdag ng ilan pang henerasyon upang mahanap namin ang iyong mga relasyon sa iba. Subukang ibalik nang ilan pang henerasyon ang isa sa mga linya ng iyong pamilya (ang mga ninuno ng isa sa iyong mga magulang). Magbubukas ito ng iba pang mga posibilidad ng mga relasyon sa ibang mga user.
Walang sapat na tree
Maaaring walang sapat na naisumiteng mga family tree mula sa iyong partikular na bahagi ng mundo. Dahil dito, mahihirapan ang Family Tree na makahanap ng koneksyon. Makakatulong ka sa pamamagitan ng paghikayat sa iba na kapareho mo ang pinagmulan na ipasok ang kanilang impormasyon sa Family Tree habang patuloy mong ginagawa ang sa iyo.
Ang magkapareho ninyong ninuno ay hindi saklaw ng kinakalkula
Kinakalkula ng relationship viewer ang mga relasyon sa loob ng isang partikular na saklaw ng data sa mga linya ng iyong pamilya. Halimbawa, kung ang magkaparehong ninuno na nagkokonekta sa iyo sa isa pang tao ay ipinanganak bago ang AD 1500, hindi mahahanap ang relasyon dahil nasa labas ito ng saklaw na iyon.
Kung naniniwala ka na dapat ipakita ng relationship viewer ang isang relasyon dahil nasa loob ito ng tinukoy na saklaw, kontakin ang FamilySearch Support.
Kaugnay na mga artikulo
Paano ko matitingnan ang aking relasyon sa isang tao sa Family Tree?
Relationship viewing: Paano i-turn on o off ang opsyon na tingnan ang aking relasyon sa ibang mga user?
Paano ko matitingnan ang aking relasyon sa isang tao sa Mga Alaala?
Paano natutukoy ng relationship viewer sa Family Tree kung may relasyon ako?