Tungkol sa FamilySearch Profile

May account profile ang lahat ng nag-sign up sa FamilySearch. I-edit ang iyong FamilySearch profile para baguhin kung paano ito makikita ng ibang mga user ng FamilySearch, kung ano ang dapat makita ng lahat, at kung ano ang dapat panatilihing pribado.

Kabilang sa iyong profile ang sumusunod na mga setting ukol sa iyong impormasyon:

Larawan: Makatutulong ang paglalagay ng larawan sa profile ng iyong FamilySearch account upang makilala ka mula sa iba pang may account din sa FamilySearch na may katulad na pangalan. Maaari mong ilagay ang isang stylized na larawan o ang iyong paboritong graphic kung hindi ka kumportable na i-post ang iyong larawan. Kung hindi ka pa naglalagay ng larawan, ipapakita sa espasyo na para sa larawan ang unang letra ng contact ID ng iyong FamilySearch account.

Pangalan: Ito ang pangalan kung saan makikilala ka sa FamilySearch. Palagi itong nakikita ng iba at maaaring maging buong pangalan, bahagi ng pangalan, o kahit isang palayaw. Hanggang sa baguhin mo ang nakalagay sa field na ito, gagamitin ang iyong contact ID bilang iyong pangalan. Ang pangalang pipiliin mo ay HINDI kinakailangang natatangi sa iyo at maaaring ikubli ang iyong pagkakakilanlan habang tinutulutan pa rin ang mga kakilala mo na mahanap ka.

Contact ID: Itinalaga ang contact ID sa iyong account noong nag-sign up ka. Maaari mo itong i-edit ngunit dapat itong manatiling natatangi, na nangangahulugang dapat walang 2 tao ang may parehong contact ID. Nauugnay ang ID na ito sa anumang idaragdag o ine-edit mo sa FamilySearch. Mangyaring huwag gumamit ng mga titik ng pagbabantas sa iyong Contact ID.

Lokasyon: Kabilang sa iyong profile ang lugar para sa iyong bansa o rehiyon. Kinakailangang punan ang field na ito, ngunit maaari itong gawing pribado. Makatutulong ang pagsasapubliko ng iyong pangkalahatang lokasyon upang makilala ka mula sa iba pang user ng FamilySearch ng iyong mga kaibigan o iba pang mga mananaliksik na gustong kumausap sa iyo.

Mga Pribadong Account

May iilang mga account na agarang itinatalaga bilang mga pribadong account.

Wala pang 18 taong gulang: Itinatalagang pribado ang mga account ng mga user na may edad na mas mababa sa 18 taong gulang. Maaaring i-update ng may-ari ng account ang kanyang impormasyon sa profile ngunit mananatiling pribado ang profile niya. Kung ikaw ay 18 taong gulang pataas at minarkahan na “Pribado” ang iyong account, tiyakin na tama ang ipinasok mong petsa ng iyong kapanganakan sa account settings.

Mga Paghihigpit ng Pamahalaan: Nililimitahan ng ilang mga pamahalaan o kultura ang dami ng personal na impormasyon na maaaring likumin o ibahagi ng isang website. Kung sa palagay mo ay namarkahan nang mali bilang “Pribado” ang iyong account, pumunta sa FamilySearch Settings at tiyakin na tama ang nakalagay na impormasyon para sa iyong Bansa o Rehiyon.

Nakatulong ba ito?