Paano ko titingnan ang mga pagkukunan na nakakabit sa aking mga ninuno sa Family Tree?

Maaari mong tingnan ang mga pagkukunan ng tao, kaugnayan ng mag-asawa, at mga kaugnayan ng magulang-anak sa FamilyTree.

Mga Hakbang (website)

Mga Pagkukunan para sa mga Tao

  1. Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang tao sa puno.
  3. Pindutin ang pangalan ng tao Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin ulit ang pangalan ng tao. Madadala ka sa pahina ng taong iyan.
  4. Upang tingnan ang mga pagkukunan, pindutin ang markang Mga Pagkukunan. Upang tingnan ang mga pagkukunan habang nananatili sa markang Mga Detalye, pindutin ang ugnay ng Mga Pagkukunan sa kahon ng Mga Kagamitan.

Mga Pagkukunan para sa Mga Kaugnayan.

  1. Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Humanap ng isang tao sa puno ng kaugnayan na nais mong tingnan.
  3. Pindutin ang pangalan ng tao Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin ulit ang pangalan ng tao. Madadala ka sa pahina ng taong iyan.
  4. Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
    • Kaugnayan ng mag-asawa: pindutin ang Markang Pagbabago ( ) kasunod ng kaganapan sa kasal. Ang mga pagkukunan ay nasa kahong Mga Pagkukunan ng Kaugnayan.
    • Kaugnayang magulang-anak: Pindutin ang Markang Pagbabago ( ) kasunod ng pangalan ng anak. Ang mga pagkukunan ay nasa kahon ng Mga Pagkukunan ng Kaugnayan

Mga Hakbang (mobile app)

Mga Pagkukunan ng Mga Tao

  1. Maglayag sa pahina ng Tao.
  2. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.

Mga Pagkukunan para sa Mga Kaugnayan.

Ang Family Tree mobile app sa kasalukuyan ay hindi naglilista ng mga pagkukunan para sa partikular na mga kaugnayan. Masidhing suriin ang mga pagkukunan na nakalista para sa mga tala ng tao, o dalawin ang FamilySearch.org para sa katangiang ito.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree LIte ay hindi isinama ang katangiang Mga Pagkukunan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Mula sa FamilyTree, paano ko bubuksan ang aking Kahon ng Pagkukunan at ikabit ang pagkukunan sa tao?
Paano ko tatanggalin ang mga pagkukunan mula sa isang tao sa FamilyTree?
Ano ang mga pakinabang ng pagdaragdag ng mga pagkukunan sa FamilyTree?

Nakatulong ba ito?