Ano-ano ang lahat ng ibat-ibang mga listahan ng mga gawain sa Family Tree?

Share

Upang matulungang matuklasan at umugnay sa iyong mag-anak, ang FamilySearch ay nagbibigay ng ibat-ibang listahan ng mga gawain, mga pahiwatig na tala, at ibang mga tulong.

Mungkahing mga Gawain (website)

Hanapin ang listahan sa pangunahing pahina ng FamilySearch.org kapag lumagda ka.

Narito ang mga pangunahing katangian:

  • Mag-mungkahi ng mga gawain at nagbibigay ng kabatiran upang matulungan kang magsimula at magpalawak sa iyong Family Tree.
  • Kapag inilagay mo ang kabatiran tungkol sa iyong mag-anak, ang kaparaanan ay kikilalanin ang mga pook sa unang ilang mga salinlahi ng iyong punong tuwirang ninuno ay nawawala.
  • Naghahanap nang database ng mga talang pangkasaysayan at nagbibigay ng posibleng pagtutugma ng kabatiran tungkol sa iyong mga ninuno. Maingat na suriin ang kabatiran at pasyahan kung ito ay isang tugma bago mo ito tanggapin bilang isang tugma.
  • Ang mga pahiwatig na tala ay lumilitaw na may markang bughaw.

Mga Ninunong mayroong Mga Gawain (mobile app)

Ang mga ninuno na may mga gawain ay isang katangian sa Family Tree mobile app. Ang listahan ay naglalaman ng mga gawain para sa mga tao mula sa iyong unang 8 salinlahi ng mga ninuno, kabilang ang kani-kanilang mga anak.

  • Sa isang Apple iOS na kagamitan, sa ibaba ng tabing, pindutin ang Mga Gawain.
  • Sa Android, sa kaliwang itaas, pindutin ang tatlong guhit. Pagkatapos, pindutin ang Mga Gawain.

Sa mga Android na kagamitan, maaari mong palawakin ang listahan ng Mga Gawain. Kasama ng pinalawak na listahan ang mga taong tiningnan mo kamakailan kasama ang kani-kanilang mga magulang, asawa, at mga anak.

  1. Sa kaliwang itaas, pindutin ang 3 guhit.
  2. Pindutin ang Mga Kaayusan.
  3. PindutinApp.
  4. Pindutin ang tali na switch para sa Palawakin ang Mga Gawain.

Mga Inapo na mayroong Mga Gawain (mobile app)

Ang listahan ng gawain ng Mga Inapo ay magagamit lamang sa Family Tree mobile app. Pag-kuha mula sa balangkas ng isang tao.

  1. Sa Family Tree app, buksan ang balangkas ng isang ninuno.
  2. Sa kaliwang itaas, pindutin ang 3 tuldok.
  3. Pindutin ang Mga Inapo na may mga Gawain.

Kasama ng listahan ang mga gawain para sa hanggang sa 5 salinlahi ng mga inapo ng taong pokus. Maaari mong piliin kung gaano karaming salinlahi ang makikita. Buksan ang listahan. Sa kaliwang itaas, pindutin ang [Bilang] Mga Salinlahi. Pindutin ang bilang ng mga salinlahi na nais mong makita (3, 4, o 5 salinlahi).

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ikakabit ang mga pahiwatig ng tala sa Family Tree?
Ano-ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng ibat-ibang mga listahan ng gawain sa website ng Family Tree at mobile app?

Nakatulong ba ito?