Sa Family Tree, ang bahaging Takdang-Oras ay naglilista sa kabatiran ng taong ito ng nakatayo at sunod-sunod na kaayusan. Maaari mo ring buksan o patayin ang isang pagpipilian na mapa upang makita ang paglalakbay sa buhay ng iyong ninuno sa isang mapa.
Ipinapakita rin sa iyo ng takdang-oras ang magagamit na mga pahiwatig na tala sa nilalaman ng ibang mga kaganapan sa buhay. Maaari mong makita kung saan umaangkop ang pahiwatig na tala sa kuwento ng buhay ng iyong ninuno at magpasya kung ang pahiwatig ay tungkol sa iyong ninuno.
Ang mapa ay ipinapakita sa iyo ang mga pook ng mga makabuluhang kaganapan sa buhay. Maaari mong ilipat ang tanawin sa isang larawang satellite, at mag-imbulog upang makita kung ano ang hitsura ng isang pook ngayon.
Mga Pagpipilian ng Takdang-Oras (website)
Buksan ang takdang-oras
- Sa Family Tree sa FamilySearch website, ilantad ang pahina ng tao.
- Sa harang na menu sa ibaba ng pangalan ng tao, pindutin ang alinman sa dalawang pagpipilian na ito:
- Ang markang Tungkol sa. Ang takdang-oras ay nasa kanang bahagi.
- Ang markang Takdang-Oras, na nasa kanan ng markang Mga Memorya.
- Gamitin ang maliit na harang sa tabi upang mag-balumbon sa takdang-oras.
Ipasadya ang takdang-oras
- Sa kanang tuktok ng kahon ng takdang-oras, pindutin ang Ipakita.
- Upang magdagdag o tanggalin ang mga katangian, pindutin sa mga kahon. Kapag napuno ang kahon, makikita mo ang kabatirang iyon sa takdang-oras.
- Tandaan: Ang kaparaanan ay pumipili ng pa-iba-ibang mga kaganapan pangkasaysayan. Makikita mo hanggang 8 pangyayaring pangkasaysayan sa isang takdang-oras.
Mapa
- Sa ilalim ng takdang-oras, pindutin ang Tingnan sa Paggamit ng Mapa.
- Mag-imbulog sa pamamagitan ng paggamit ng mga markang + at - sa kanang tuktok.
- Baguhin ang pagpapakita ng mapa sa pamamagitan ng pag-klik sa Mapa, Satellite, o pag-tsek sa kahon ng Kalupaan sa kaliwang tuktok ng tanawing mapa.
Mga Hakbang (mobile app)
Ang Family Tree mobile app ay hindi nagbibigay ng isang takdang-oras. Ngunit maaari mong makita ang mga mapa ng mga kaganapan sa buhay para sa isang ninuno.
Mga hakbang mula sa pahina ng isang tao
- Pindutin ang markang Mga Detalye.
- Pindutin ang isang kaganapan. Ipinapakita ng isang mapa ang pook ng kaganapan.
Mga hakbang mula sa menu
- Pindutin ang markang 3 guhit (menu). Sa isang Android na kagamitan, ang marka ay nasa kaliwang itaas. Sa isang kagamitan na Apple iOS, ang marka ay nasa bahaging kanang ibaba.
- Pindutin ang Mapa ng aking mga ninuno.
- Upang makita ang isang mapa para sa isang partikular na ninuno, pindutin ang isang pangalan sa ibaba ng mapa.
- Upang maghanap at mag-mapa ng isang ninuno, ilagay ang pangalan sa larangan ng Pagsasaliksik
- Sa isang kagamitan na Apple iOS, gamitin ang larangan ng pagsasaliksik nang tuwiran sa itaas ng listahan ng mga pangalan. Pindutin ang pangalan sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik.
- Sa isang kagamitang Android, pindutin ang markang magnifying glass. Maglagay ng isang pangalan. Pindutin ang pangalan sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Ang Family Tree Lite ay hindi nagbibigay ng isang takdang-oras.