Maaaring lagyan ng harang ng FamilySearch ang kabatiran sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan tungkol sa isang taong buhay. Hindi namin ito maaaring tanggalin sa CD o DVD kung saan ito orihinal na lumilitaw.
Ang sinumang nagbibigay ng kabatiran sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan ay mag-klik upang sumang-ayon sa mga kalagayan ng pagbibigay. Ang mga nagbibigay ay pumapayag na makipag-ugnayan sa sinumang nabubuhay na taong lumilitaw sa salansan upang makakuha ng pahintulot na isama ang kani-kanilang kabatiran.
Upang hilingin na lagyan ng harang ng FamilySearch ang kabatiran ng buhay na tao sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan, makipag-ugnayan sa FamilySearch.