Paano ko tatanggalin ang kahaliling mga pangalan ng isang tao sa Family Tree?

Share

Sa Family Tree, maaari mong tanggalin ang mga alternatibong pangalan na duplikado o malapit na pagkakaiba-iba ng bawat isa:

  • Mga eksaktong doble ng pangalan sa bahaging Mahalagang Kabatiran.
  • Mga eksaktong doble ng ibang mga kahaliling pangalan sa bahaging Ibang Kabatiran.
  • Mga pangalang may pagkakaiba sa malalaking titik, gaya ng apelyido sa lahat ng malalaking titik.
  • Mga pangalang may pagkakaiba sa pag-bantas, gaya sa tuldok pagkatapos ng unang titik.
  • Mga pangalang mali, gaya sa pangalan na may tamang apelyido pero mali ang unang pangalan.
  • Mga pangalan na hindi naaangkop sa tao.

Mga Hakbang (website)

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
  2. Mag-balumbon pababa sa bahaging Ibang Kabatiran.
  3. Pindutin ang markang Ayusin sa tabi ng pangalan na gusto mong alisin.
  4. Mag-balumbon pababa, at pindutin ang Tanggalin ang Kahaliling Pangalan.
  5. Maglagay ng isang dahilan.
  6. Pindutin ang Tanggalin ang Kahaliling Pangalan.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Mag-layag sa pahina ng Mga Detalye ng tao.
  2. Sa Mga Detalye, hanapin ang Iba o Ibang Kabatiran.
  3. Pindutin ang pangalang nais mong tanggalin.
  4. Pindutin ang Tanggalin o Tanggalin ang Pangalan sa Kapanganakan.
  5. Maglagay ng isang dahilan, at pindutin ang Tanggalin.
Nakatulong ba ito?