Maaari ko bang tanggalin ang aking mga puna sa mga larawan, mga kuwento, mga kasulatan, at mga salansan na pandinig sa mga Memorya?

Share

Ang FamilySearch ay nagbibigay ng katangian ng mga puna bilang isang paraan para sa mga taga-ambag na makipag-usap sa bawat isa tungkol sa mga bagay na mga Memorya.Maaari mong tanggalin ang idinagdag mong mga puna sa mga memorya. Narito ang ilang pangunahing kabatiran sa kung paano gumagawa ang mga puna:

  • Maaari kang magdagdag ng mga puna sa anumang bagay na nasa mga Memorya.
  • Maaari mong tanggalin ang mga puna na idinagdag mo, subalit hindi mo maaaring tanggalin ang mga puna ng ibang tagagamit.
  • Tumatanggap ka ng isang mensaheng email tuwing isang tao ay nagdaragdag ng puna sa isang bagay na ambag mo. Ang mensahe ay saklaw ang ugnay sa bagay at puna.
  • Upang makontak ang taga-ambag na nagbigay ng puna, pindutin ang kaniyang pangalan. Lumilitaw ang kabatiran ng kontak kung ginawa nila itong nakikita ng publiko.
    • Kung hindi mo nakikita ang kabatiran ng kontak ng taga-ambag, gamitin ang kaparaanan sa pagmemensahe ng FamilySearch upang makipag-ugnayan sa kanila.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch at pindutin ang Mga Memorya.
  2. Pindutin ang Galeriya o Mga Tao.
  3. Pindutin ang ninais na memorya.
  4. Sa tuktok ng panig ng Kabatiran (sa kanan ng bagay na memorya), pindutin ang markang Mga Puna.
    • Lumilitaw ang markang mga puna bilang isang bula ng pananalita na may isang bilang na katabi nito upang ipakita kung gaano karaming mga puna ang idinagdag sa bagay na memorya.
  5. Pindutin ang markang basurahan sa ibaba ng isang puna na isinulat mo upang matanggal ito.

Paalaala: Maaari mong ayusin ang isang puna na isinulat mo sa pamamagitan ng pag-klik sa markang ayusin (lapis) sa ibaba ng puna. Ang katangiang ito ay kasalukuyang magagamit lamang sa website.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Buksan ang Family Tree o Mga Memorya na mobile app.
  2. Maglayag sa isang bagay na memorya.
  3. Buksan ang kahon ng mga puna:
    • Apple iOS: Pindutin ang bagay na memorya. Sa kanang ibabang bahagi, pindutin ang markang Mga Puna. Lumilitaw ang markang mga puna bilang isang bula ng pananalita. Kung hindi mo nakikita ang marka, pindutin muli ang bagay na memorya.
    • Android: Sa kanang itaas, pindutin ang tatlong tuldok. Pindutin ang Mga Puna.
  4. Sa kanan ng puna na nais mong tanggalin, pindutin ang markang basurahan.
  5. Pindutin ang Tanggalin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Hindi isinama sa Family Tree Lite ang katangian na Memorya.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko hihilingin ang pagtanggal ng isang memorya o markang tao mula sa isang tao?

Nakatulong ba ito?