Maaari mong tanggalin ang iyong kuwenta na FamilySearch sa Mga Kaayusan.
Bago ka magsimula
- Kung tatanggalin mo ang iyong kuwenta, mawawala ang iyong mga karapatan sa pag-ambag sa mga talakayan, mga pagkukunan, mga memorya at mga inilagay na GEDCOM.
- Kung mayroon kang higit sa isang kuwenta na FamilySearch, hindi namin maaaring pagsamahin ang mga ito.
- Kapag tinanggal mo ang isang kuwenta, nawawalan ka ng pagkita para sa kabatiran sa Family Tree:
- Ang buhay o lihim na mga tao sa Family Tree, kabilang ang mga nasa pangkat ng family tree.
- Ang Sinusubaybayan Mong Listahan
- Kabatiran ng "Aking mga Ambag"
- Mga estadistika ng Indeksing
- Mga gawain
- Pagpapadala ng mensahe
- Mga Patalastas
Ano ang tinatanggal ng kaparaanan?
- Ang iyong kuwenta at mga kaayusan
- Ang kakayahan mo sa pag-ayos ng mga ambag sa FamilySearch.org
- Mga kabuuan ng indeksing at mga karapatan ng tagasuri
Ano ang tira?
- Kabatirang idinagdag mo sa Family Tree, kasama ang mga pangkat ng family tree
- Mga Memorya (mga larawan, mga kuwento, mga kasulatan, mga salansan na pandinig) na idinagdag mo
- Mga GEDCOM na inilagay mo
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa iyong kuwenta sa FamilySearch na gusto mong matanggal.
- Sa kanang tuktok, pindutin ang iyong pangalan at saka pindutin ang Mga Kaayusan.
- Pindutin ang markang Kuwenta at mag-balumbon sa ibaba.
- Pindutin ang Tanggalin ang Kuwenta.
- Isang panibagong bintana ang lilitaw. Upang patunayan na nais mong lubusang tanggalin ang iyong kuwenta, pindutin ang Magpatuloy (nasa bughaw).
- Pindutin ang muling Lumagda sa huling pagkakataon.
- Upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan, ilagay ang iyong username at password.
- Pindutin ang Tanggalin ang Kuwenta (nasa pula).
Mga Hakbang(mobile)
Maaari mong tanggalin ang iyong kuwenta sa paggamit ng siping Apple iOS ng FamilySearch Family Tree mobile app. Kung mayroon kang isang kagamitan na Android, gamitin ang website.
- Buksan ang FamilySearch Family Tree app sa iyong kagamitan na mobile.
- Sa kanang-ibaba, pindutin ang 3 guhit na marka.
- Pindutin ang Mga Kaayusan.
- Pindutin ang Kuwenta.
- Mag-balumbon sa ibaba ng tabing at pindutin ang Tanggalin ang Kuwenta.
- Basahin ang mensahe at pindutin Magpatuloy.
- Upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan, lumagda.
- Pindutin ang Tanggalin ang Kuwenta.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko babaguhin ang aking mga pansariling kaayusan sa FamilySearch?