Paano ko idadagdag ang isinilang na patay o nalaglag na mga sanggol sa Family Tree?

Share

Upang magdagdag ng kabatiran tungkol sa patay na ipinanganak na bata, ilagay ang pangalan ng bata, kasarian, kabatiran ng kapanganakan, at kabatiran ng kamatayan sa Family Tree. Pagkatapos ay idagdag ang patay na ipinanganak na kaganapan sa balangkas. Kung ang bata ay nabuhay ng maikling panahon pagkatapos ng kapanganakan, ilagay ang kabatiran ng kapanganakan at kamatayan. Huwag idagdag ang kaganapan ng patay na ipinanganak. Ang kunan ay maaaring idagdag bilang isang pasadyang kaganapan.

Kung hindi pinangalanan ang bata, o hindi naitala ang pangalan, gawin ang isa sa mga sumusunod:

  • Hayaang walang laman ang unang pangalan ng bata. Ilagay ang apelyido ng tatay.
  • Kung hindi mo alam ang apelyido ng ama ngunit alam mo ang pangalan ng ina, ilagay ang kanyang apelyido.
  • Kung hindi mo alam ang alinmang apelyido ng tatay o ng nanay, ilagay ang tandang pagtatanong(?) bilang unang pangalan ng bata. Hayaang walang laman ang apelyido.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch
  2. Pindutin ang Family Tree at saka ang Puno.
  3. Kung kinailangan, pumunta sa pahina ng tao ng isang magulang ng patay na bata, at idagdag ang pangalan ng batang yan sa mag-anak.
  4. Ilabas ang pahina ng tao ng bata.
  5. Pindutin ang Mga Detalye.
  6. Mag-balumbon sa bahaging Ibang Kabatiran.
  7. Pindutin ang + Magdagdag ng Kaganapan.
  8. Pindutin ang Patay na ipinanganak.
  9. Ilagay ang kabatiran at isang dahilan na sa palagay mo ay tama ito.
  10. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Apple iOS o Android Family Tree mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, kung kinailangan, idagdag ang batang yan sa mag-anak.
  2. Ilabas ang pahina ng Tao ng patay na ipinanganak na bata.
  3. Pindutin ang Mga Detalye.
  4. Pindutin ang +.
  5. Pindutin ang Patay na ipinanganak.
  6. Ilagay ang kabatiran at isang dahilan na sa palagay mo ay tama ito.
  7. Sa itaas ng kanang bahagi ng tabing, pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko malutas ang isang problema sa data na “martay” sa Family Tree?
Paano ko itama ang Iba Pang Impormasyon sa Family Tree?
Mula sa Family Tree, paano ko buksan ang aking source box at ilakip ang isang mapagkukunan sa tao?

Nakatulong ba ito?