Nang mag-sign up ka para gamitin ang FamilySearch, sumang-ayon ka na lahat ng impormasyong inambag mo sa site ay totoo at tumpak. Ang Family Tree ay dinisenyo para lamang sa dokumentasyon ng sangkatauhan. Iwasan lamang na magpasok ng mga nilalang na hindi tao, tulad ng mga hayop, kathang-isip na karakter, diyos, o gawa-gawa lang. Hinihikayat ka rin naming magbigay ng mga mapagkukunan na may kaugnayan sa mga taong ipinapasok mo hangga’t maaari.
Nakalaan sa FamilySearch ang karapatang i-access, i-delete, o i-edit ang anumang inambag na content na lumalabag sa patakarang ito. Tingnan lamang ang aming Mga Tuntunin sa Paggamit at Kasunduan sa Pagsusumite para sa iba pang impormasyon.