Ang Family Tree kumpara sa pansariling software ng angkan

Ang Family Tree ay isang napakalaking lugar upang itabi ang iyong angkan at family history. Ang ibang mga kumpanya ay nagbebenta ng software na pumapayag sa iyong mag-tabi ng magkatulad na kabatiran sa iyong pansariling kompyuter. Ang lathalaing ito ay sinusuri ang mga pakinabang ng bawat pagpipilian. Ang ilang mga tagagamit ay gustong gamitin ang dalawa.

Mga pakinabang sa paggamit ng Family Tree

  • Magagamit kahit saan sa mundo.  
  • Inaanyayahan ang pakikipagtulungan sa ibang mga tagagamit.  
  • Magagamit ng mga iba kapag ikaw ay namatay.  
  • Nagbibigay ng isang kaparaanan sa pagpapadala ng mensahe para sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga tagagamit.

May mga pakinabang sa paggamit ng sariling software

  • May mahigit na kontrol sa kung paano mo inaayos at ibinabahagi ang mga kabatiran.
  • May kalayaan na magdagdag ng hindi pinatunayan o hindi isinulat na mga kabatiran.
  • Mayroong mas maraming pagpipilian sa paglikha, pagpapalawak, at paglilimbag sa mga ulat.  
  • May maunlad na mga pagpipilian sa pananaliksik.  

Ang FamilySearch ay naghahanap ng mga pagkakataon upang makipagtulungan sa ibang mga kompanya. Dalawin ang Galeriya ng mga Kalutasan upang mahanap ang ilan sa magagandang produktong tugma sa FamilyTree.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko mahahanap ang mga ikatlong-partidong mga produkto ng kumpanya?
Paano ako makakakuha ng tulong sa isang lugar o app ng ikatlong-partido?

Nakatulong ba ito?