Gamitin ang Wiki na Pananaliksik upang matulungan ka sa iyong pagsasaliksik. Ang Wiki ay isang patnubay ng angkan na nagbibigay ng kabatiran tungkol sa mga uri ng mga tala, mga stratehiya sa pagsasaliksik, mga koleksyon ng mga talaan, at mga pagkukunan ng angkan sa FamilySearch, ibang mga pook na online, at mga pook na wala sa online.
Para sa patnubay na pananaliksik:
Nakakatulong ito upang mahanap ng kabatiran sa kapanganakan, kasal, at kamatayan. Hindi lahat ng mga bansa ay mayroong katangian na ito.
- Lumagda sa FamilySearch.org
- Sa itaas ng kaliwang sulok, pindutin ang Magsaliksik.
- Mula sa bagsak-baba na menu, pindutin ang Pananaliksik na Wiki.
- Para sa patnubay na pananaliksik, pindutin ang Patnubay na Pananaliksik. Ang pagpipilian na ito ay matatagpuan sa tuktok ng kulay-abo na panig sa kaliwang bahagi ng pahina, ganun din sa kahon na “Simulan ang inyong pananaliksik” sa kanang bahagi ng pahina.
- Mula sa pahinang Patnubay na Pananaliksik, pumili ng isang bansa sa listahan ng Mga Magagamit na Bansa.
- Pagkatapos, piliin ang Kapanganakan, Kasal, o Kamatayan.
- Sundin ang patnubay na pananaliksik na iminungkahing mga koleksyon ng pananaliksik upang maghanap ng mga tala.
Maghanap ayon sa pook:
Ang mga pahinang angkan sa Pananaliksik na Wiki ay mag-aalok ng isang malawak na mga uri ng pagkukunan. Para sa maraming mga pook, mayroong mga sunod-sunod na alituntunin, mga stratehiya sa pananaliksik, mga kagamitan, mga mapa, at ibang mga pagkukunan. Ang tulong sa pagsisimula ng iyong pananaliksik, mga uri ng tala, karanasan ng pook, mga pangkat ng kalinangan, at lokal na pagkukunan ng pananaliksik ay nasa kanang tabi ng pahina sa ilalim ng mga Paksang Wiki.
- Lumagda sa FamilySearch.org
- Sa itaas ng kaliwang sulok, pindutin ang Magsaliksik.
- Mula sa bagsak-baba na menu, pindutin ang Pananaliksik na Wiki.
- Sa harang ng pagsasaliksik, maglagay ng isang pook.
- Upang pumunta sa pahina ng angkan para sa gustong pook, sa harang ng pagsasaliksik, pindutin ang markang magnifying glass.
- Mula sa pahina ng angkan, suriin ang kabatiran ng pook at mga pagkukunan ng pananaliksik
Maghanap ayon sa paksa:
- Lumagda sa FamilySearch.org
- Sa itaas ng kaliwang sulok, pindutin ang Magsaliksik.
- Mula sa bagsak-baba na menu, pindutin ang Pananaliksik na Wiki.
- O, pindutin ang kahon ng pagsasaliksik at maglagay ng isang paksa.
- Sa harang ng pagsasaliksik, pindutin ang markang magnifying glass.
- Pumili ng isang lathalain sa pahina ng mga kinalabasan.
- Gamitin ang Unlad na Pagsasaliksik at ang Magsaliksik sa bagsak-baba na mga menu upang gawing pino ang pagsasaliksik.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano ang wiki na pananaliksik ng FamilySearch?
Paano ako tinutulungan ng Wiki na Pananaliksik ng FamilySearch na hanapin ang aking mga ninuno?