Ang mga resulta ng iyong pagsasaliksik sa mga talaang pangkasaysayan ay maaaring isang mahalagang pagkukunan. Gamitin ang sumusunod na mga tulong upang makuha ang karamihan sa mga ito.
Palitan ang iyong mga katawagan sa pananaliksik
Kung hindi mo mahanap ang kabatiran na iyong inaasahan, baguhin ang iyong mga katawagan para sa paghahanap sa panig sa kanan ng iyong mga resulta ng paghahanap.
- Dagdagan o bawasan ang agwat ng petsa.
- Magdagdag o tanggalin ang kabatiran. Halimbawa, kung humanap ka ng lunsod ng kapanganakan at bayan, subukang saliksikin lamang ang bayan.
- Humanap ng isang kasapi ng mag-anak, sa halip
- Magsaliksik para sa mga kababaihan sa paggamit ng kanilang mga pangalan sa pagka-dalaga at ulitin sa paggamit ng kanilang mga pangalan sa pag-aasawa. Maaari ka ring magsaliksik sa paggamit ng unang pangalan ng babae lamang at ang pangalan ng kaniyang asawa o mga magulang.
- Tasahan ang mga petsa at lugar
Mag-sala sa mga resulta ng iyong pagsasaliksik
Ginamit ang mga pag-sala upang ituon ang mga resulta sa pagsasaliksik sa isang partikular na uri ng kabatiran. Ang mga pag-sala ay nasa itaas ng mga resulta ng pagsasaliksik.
Unawain ang mga resulta ng pagsasaliksik
Ang mga resulta ng paghahanap ay nasa isang talahanayan. Ang mga rekord na tumutugma sa iyong paghahanap ay mas malapit sa itaas.
Website
- i-click ang isang hilera. Itala ang mga detalyeng lilitaw sa kanang panig.
- Pindutin ang < at > upang mabilis na suriin mabuti ang mga kinalabasan ng iyong pagsasaliksik.
Mobile Tree app (Apple iOS)
- i-click ang isang pangalan. Bubukas ang pahina ng mga detalye ng rekord.
- Sa ibaba ng talaan ng impormasyon, gamitin ang < at > upang lumipat sa hanay ng mga resulta ng paghahanap.
Ang Android app ay kulang sa paraan upang madaling lumipat sa mga resulta ng paghahanap kaagad.
Mga marka
Marka | Kahulugan |
![]() | Ang talaang pangkasaysayan ay nakakabit sa isang tao sa FamilyTree. Pindutin ang marka at tingnan ang balangkas ng mukha ng Puno. |
![]() | Ang larawang digital ay makukuha sa FamilySearch. Pindutin ang marka at tingnan ang larawan. |
![]() | Ang isang digital na imahe ay magagamit sa isang site ng kumpanya ng third-party. Ang ilang mga website ng third-party ay nangangailangan ng isang subscription upang makita ang mga imahe. |
![]() | Pindutin ang marka. Ang na-indeks na mga detalye ng talaan ay lumilitaw. |
![]() | Ang tao ay maaari ring magkaroon ng balangkas ng mukha sa FamilyTree. Pindutin ang marka at ilakip ang talang pangkasaysayan na ito sa tao bilang isang pinagmulan. |
Palitan ang bilang ng mga resulta sa bawat isang pahina.
Sa ilalim ng mga resulta ng pagsasaliksik, maaari kang pumili kung ilang mga resulta ng pagsasaliksik ang ipapakita sa bawat isang pahina: 10, 20, 50, 0 100.
Upang lumipat sa susunod na pahina ng mga resulta, pindutin ang< o ang>.
Isulat ang mga resulta ng paghahanap
Upang isulat ang kasalukuyang pahina ng mga resulta sa pagsasaliksik, gamitin ang tungkulin ng iyong browser's print. Maaari mo ring lagyan ng liwanag ang ilan o lahat ng mga resulta sa paggamit ng iyong daga, at pagkatapos kopyahin at dikit ang mga ito sa programang word-processing.
Magkakaugnay na mga lathalain
Mga Tulong sa Pagsasaliksik para sa Mga Talang Pangkasaysayan
Mga Alituntunin sa Pagsasaliksik para sa Talang Pangkasaysayan
Sa Talang Pangkasaysayan, ang mga kinalabasan sa pagsasaliksik ay hindi tugma sa aking mga katawagan sa pagsasaliksik
Paano ko gagamitin ang sala sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik sa mga talang pangkasaysayan?
Paano ko babaguhin kung paano inilagay sa ayos ang mga kinalabasan ng pagsasaliksik sa talang pangkasaysayan?
Paano ko ipapadala ang mga kinalabasan ng pagsasaliksik na nagmula sa Mga Talang Pangkasaysayan para magamit sa isang spreadsheet?
Pagkuha ng Pinakamahusay mula sa Iyong Pagsasaliksik: Pag-unawa sa Pahina ng mga Tala ng Pagsasaliksik