Pagsasaliksik sa Komunidad ng FamilySearch

Share
0:00 / 0:00
videoCompanion
Welcome to the FamilySearch Community

Hanapin ang buong komunidad

Upang mahanap ang lahat ng mga pagkukunan sa isang tanging paksa, gamitin ang kahon sa Pagsasaliksik sa tuktok ng alinmang pahina. Ilagay ang mga katawagan para sa pagsasaliksik, at pindutin ang markang magnifying glass

Ang mga kinalabasan ng pagsasaliksik ay may marka sa kaliwa ng pamagat. Kinikilala ng marka ang uri ng pahayag:

  • Ang markang tandang nagtatanong ay nangangahulugan na ang balita ay nasa isang talakayan sa Tulong na FamilySearch. Ang unang hanay sa ilalim ng pamagat ay tumutukoy sa taong nagsimula ng talakayan, petsa, at kategorya ng Tulong sa FamilySearch.
  • Ang markang bombilya ay nangangahulugan na ang balita ay nasa Mag-mungkahi ng Isang Koro-koro.
  • Ang markang bula ng talumpati ay nagpapahiwatig ng isang Talakayan, sa halip ng isang koro-koro o katanungan. Ang mga talakayan ay nasa ilang mga pagpipilian sa Pangunahing pahina, gaya ng Mga Balita sa Komunidad at sa Mga Pangkat.

Mga Kinalabasan sa Pag-sala

Ang Mga Kinalabasan sa Pag-sala ay nagpapakita sa kanan ng iyong mga kinalabasan ng paghahanap:

  • Maaari kang maglagay ng pamagat o bahagi ng isang pamagat.
  • Sa larangan ng May-akda, ilagay ang lantad na pangalan ng isang kasapi ng komunidad. Habang sumusulat ka, lumilitaw ang mga pangalan. Pindutin ang pangalan na gusto mo.
  • Sa pook ng Petsang Inilagay-sa-Panahon, maaari kang magtakda ng agwat ng petsa para sa iyong mga kinalabasan ng paghahanap.

Ilagay ang iyong pamantayan sa pag-sala, at pindutin ang Mag-sala.

Mga pangkat ng pagsasaliksik

  1. Sa pangunahing pahina ng Komunidad, pindutin ang Mga Pangkat.
  2. Sa ibaba ng bandila ng pamagat, hanapin ang kahon ng Humanap ng Mga Pangkat at maglagay ng mga saligang-salita o pamagat ng isang pangkat.
  3. Ipinapakita na ngayon ang mga pangkat na kinabibilangan ng iyong mga katawagan sa paghahanap. Pindutin ang isa upang mabuksan ang pangkat.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko aayusin ang paksa o paglalarawan ng isang pangkat ng Komunidad?
Ang aking pangkat ng komunidad ay wala sa mga kinalabasan ng paghahanap

Nakatulong ba ito?