Paano ko sasalain ang aking source box?

Salain ang iyong source box upang mahanap ang isang pangkat ng nauugnay na mga pamulaang gusto mong magamit. Ang pagsasala ay matulungin kung ang source box ay naglalaman ng maraming bagay.

Tulong: Salain ang iyong source box at pagkatapos ilagay ang mga katawagan sa pananaliksik upang mapaliit pa ang listahan ng mga pamulaan.

Mga Hakbang (website)

  1. Samantalang nakalagda sa FamilySearch, pindutin ang pangalan mo.
  2. Pindutin ang Source Box.
  3. Pindutin ang Filter.
  4. Pindutin ang mga uri ng pamulaang hindi mo gustong isama.
    • FamilySearch: Mga talang pangkasaysayan sa FamilySearch.
    • User Created: Isang pamulaang ang sipi ay iminakinilya sa FamilySearch.
    • Alaala: Isang larawan, kuwento, kasulatan, o audio file na idinagdag sa FamilySearch at ginamit bilang isang pamulaan.
  5. Upang masala batay sa petsa, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang Date Range.
    2. Ilagay ang pinakamaaga at pinakahuling mga taon.
    3. Pindutin ang Magsaliksik.
  6. Upang maisara ang date filter at mailantad ang mga pamulaan na walang mga petsa, pindutin ang Sources With No Dates.

Ipapakita ng source box ang mga pamulaang tumutugma sa mga salaang pinili mo.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa kasalukuyan, Ang Family Tree at Mga Alaalang mobile apps ay hindi saklaw ang katangiang source box. Dalawin ang FamilySearch.org upang mapamahalaan ang iyong mga pamulaan.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree LIte ay hindi isinama ang katangiang Mga Pamulaan. Dalawin ang buong website upang mapamahalaan mo ang iyong mga pamulaan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang source box?
Paano ko sasaliksikin ang aking source box?
Mga ikon ng pamulaan sa source box at Family Tree

Nakatulong ba ito?