Ang na-indeks na International Genealogical Index (IGI) ay nagmula sa mga orihinal na talaan. Ang kabatiran ay kinopya sa mga talang orihinal, inilagay sa kompyuter, at inilathala.
Kapag nakakita ka ng mga kinalabasan sa IGI, makikita mo ang mga kinalabasan sa loob ng isang Koleksyon ng Talang Pangkasaysayan. Gamitin ang mga hakbang upang saliksikin ang IGI at pasyahan kung magagamit ang isang larawan.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch
- Pindutin ang Saliksikin at pagkatapos ang Mga Tala.
- Mag-balumbon pababa sa Hanapin ang Koleksyon. Sa larangan ng Pamagat ng Koleksyon, isulat ang Pandaigdig.
- Mula sa listahan sa ibaba ng larangan ng pagsasaliksik, pindutin ang Indeks ng Pandaigdigang Angkan (IGI).
- Ilagay ang iyong mga katawagan sa pagsasaliksik at pindutin ang Magsaliksik.
- Sa mga kinalabasan ng pananaliksik, pindutin ang pangalan ng tao.
- Sa kaliwa ng na-indeks na kabatiran, kung magagamit ang isang larawan, makikita mo ang “Tingnan ang Orihinal na Kasulatan.” Pindutin ang Tingnan ang Orihinal na Kasulatan.
Mga hakbang kung nakikita mo ang Larawan ay Hindi Magagamit
Kung nakikita mo ang Larawan na Hindi Magagamit sa halip na Tingnan ang Orihinal na Kasulatan, maaari mong mahanap kung minsan ang larawan sa pamamagitan ng paggamit ng katalogo.
- Sa ibaba ng kahon na naglalaman ng Larawan ay Hindi Magagamit, pindutin ang kabatiran
- Kopyahin ang bilang ng microfilm.
- Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Katalogo
- Sa ibaba ng Pagsasaliksik para sa pamagat, pindutin ang Pelikula/Fiche/Bilang ng Pangkat ng Larawan (DGS).
- Ilagay ang bilang ng microfilm at pindutin ang Magsaliksik.
- Pindutin ang pamagat sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik.
- Mag-balumbon sa Pelikula/Digital na Mga Paalaala at hanapin ang bilang ng pelikula.
- Tingnan sa haliging Kaayusan.
- Pindutin ang isang markang kamera at tingnan-tingnan ang mga larawan.
- Pindutin ang isang markang kamera na may triyanggulo sa kanang ibabang bahagi at alamin kung saan mo maaaring tingnan ang mga larawan.
- Kung nakikita mo ang markang gulong ng pelikula, hindi magagamit ang online na daan sa larawan.
Mga Hakbang (mobile app)
- Buksan ang FamilySearch Family Tree app.
- Pindutin ang markang 3 guhit.
- Sa Android, tumingin sa kanang-tuktok
- Sa Apple iOS, tumingin sa kanang-ibaba.
- Pindutin ang Magsaliksik ng Mga Talang Pangkasaysayan.
- Magpatuloy sa hakbang 3 sa mga alituntunin sa website. Ang katalogo ay hindi magagamit sa pamamagitan ng mobile app.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Hindi ka maaaring magsaliksik ng mga talang pangkasaysayan sa Family Tree Lite. Gamitin ang buong website o ang mobile app.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ang ambag na Indeks ng Pandaigdigang Angkan (IGI) ba ay naglalaman ng kabatiran ng pagkukunan o taga-bigay
Ano ang Indeks ng Pandaigdigang Angkan (IGI)?
Paano ako maghahanap ng na-indeks na Indeks ng Pandaigdigang Angkan(IGI)?