Pagtingin sa talaan o image para makahanap ng iba pang impormasyon

Share
view for more info Top Image.png

Kapag may mga tanong ka tungkol sa mga detalyeng nakikita mo sa Source Linker, subukang tingnan ang talaan o kaya’y ang source image para sa iba pang impormasyon. Kung mayroon, lilitaw ang link sa alinmang resource nang direkta sa itaas ng kaliwang column ng Source Linker.

Pagtingin sa rekord o talaan

Ang talaan ay isang digital transcription ng impormasyong nasa source. Ito ang source ayon sa pagkabasa at pagka-interpret ng volunteer o kaya’y ng computer.

  • Ang pakinabang ng pagtingin sa talaan ay na ang impormasyon ay malinaw at madaling basahin.
  • Sa nasabing iyon, kung may pagkakamali sa transcription, hindi mo matutukoy ang pagkakamaling iyon sa pagtingin lamang sa talaan.

Pagtingin sa image

Ang image ay isang retrato ng aktuwal na source. Naroon ang lahat ng nakasulat, naka-type, o naka-print sa source. Kadalasan, mas kumpletong resource ito kaysa sa rekord o talaan.

Saan maghahanap

View Record_2nd Image.png

Para makita ang talaan o image, magpunta sa itaas ng kaliwang column ng Source Linker, at i-klik ang Tingnan ang Talaan o Tingnan ang Image.

  • Bubukas ang isang viewing panel sa kanang panig ng screen kung saan maaari mong siyasatin ang resource nang hindi nawawala ang iyong lugar sa Source Linker.
  • Kung wala kang makitang link para sa pagtingin sa image, maaaring kasalukuyang wala pang karapatan ang FamilySearch na i-share ang digital image.
Nakatulong ba ito?