Saan kumukuha ng mga pangalan ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa?

Share
0:00 / 0:00
videoCompanion
Ordinances Ready: Updates and Algorithms

Ang feature na Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ay tutulong sa iyo na mas madaling maghanap ng mga pangalan para sa susunod mong pagpunta sa templo. Ang mga pangalang ibinigay ay maaaring mula sa sarili mong pamilya, o maaaring mga pangalan ito na ibinahagi ng iba pang mga miyembro ng Simbahan sa templo. 

Ang feature na Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ay naghahanap sa mga lugar na ito:

  • Iyong family name list (o “temple list” o “reservation list”): mga pangalang ini-reserve mo sa Family Tree. Ang mga pangalan ay nasa iyong listahan ng mga pangalan ng pamilya.
  • Mga pangalan ng pamilya na iyong ibinahagi sa isang grupo ng pamilya: mga pangalan na iyong inilaan at ibinahagi sa isang grupo ng pamilya.
  • Mga pangalan ng pamilya na ibinahagi sa isang grupo ng pamilya na kinabibilangan mo: mga pangalan na ibinahagi ng iba sa isang grupo ng pamilya na kinabibilangan mo.
  • Ang mga pangalan ng iyong pamilya na ibinahagi mo sa templo: mga pangalang inireserba mo sa Family Tree at ibinahagi sa templo. Hindi pa nai-print ng isang templo ang ibinahaging pangalan, kung kaya ang feature ng Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ay nag-unshare ng pangalan para mai-print mo ang card.
  • Mga pangalan ng mga taong may kaugnayan sa iyo. May nagbahagi ng mga pangalan sa templo: mga pangalan sa iyong tree at inilaan ng iba. Ibinahagi ng tao ang mga pangalan sa templo.
  • Mga “Berdeng Templo” mula sa iyong tree: Ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ay nag-iiscan ng 10 henerasyon ng iyong mga ninuno at 5 henerasyon ng kanilang mga inapo para sa hindi kumpletong mga ordenansa. Kung titingnan mo sa Family Tree, makikita sa mga pangalan ang mga berdeng icon ng templo. Bago ibigay sa iyo ang isa sa mga ordenansang ito, sinisiguro ng FamilySearch na walang posibleng duplikasyong umiiral.
  • Ward mo: mga pangalang ibinahagi ng mga miyembro ng inyong ward sa templo.
  • Stake mo: mga pangalang ibinahagi ng mga miyembro ng inyong stake sa templo.
  • Mga pangalang hindi nauugnay sa iyo na ibinahagi sa templo. Kung walang mga ordenansang makukuha mula sa iba pang mga source, kukunin ng Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ang mga ordenansa na isinumite sa templo ng sinumang patron. Ang mga ordenansang ito mula sa imbentaryo ng templo ay ibibigay ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito sa templo.

Paalala: Ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa ay hindi maghahanap ng mga pangalan mula sa family tree ng iyong asawa. Para mag-print ng mga family name card sa ngalan ng asawa, humingi ng pahintulot na maging katuwang ng taong iyon. Idagdag ang tao sa iyong Planner. Mula sa Planner, maaari mong gamitin ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa at mag-print ng mga card para sa asawa.  

Kaugnay na mga artikulo

Paano ako makahahanap ng mga pangalan ng mga kapamilya para sa templo gamit ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa?
Saan ko makikita ang expiration date para sa aking nakareserbang mga ordenansa?
Paano ko maibabahagi ang aking mga pangalan ng pamilya sa mga kapamilya at kaibigan sa pamamagitan ng email?
Paano ako magbabahagi ng mga pangalan ng pamilya sa templo?

Nakatulong ba ito?