Ang Source Linker ay may mga asul na detach button at dilaw na detach button. Bawat isa ay inaalis ang koneksyon sa pagitan ng isang source at ng isang tao sa Family Tree ngunit para sa ibang layunin.

Asul na detach button

Ang asul na detach button ay pahiwatig na naka-attach na ang impormasyon ng source sa kaliwang column sa tao sa kanang column.
- Sa sitwasyong ito, ang pag-klik sa asul na detach button ay nag-aalis ng koneksyon sa pagitan ng mga impormasyon sa dalawang column.
- Gugustuhin mo lamang i-klik ang asul na attach button kung sigurado ka na ang source (kaliwang column) at Family Tree (kanang column) ay tumutukoy sa dalawang magkahiwalay na tao.
Kalaunan, maaaring bumalik ka o ang isa pang researcher sa source at i-attach ito sa ibang tao sa FamilySearch Family Tree.
Dilaw na detach button

Ang dilaw na detach button ay pahiwatig na ang source (kaliwang column) ay naka-attach sa ibang tao kaysa sa nakikita mo sa kanang column ng Source Linker.
- Sa sitwasyong ito, ang pag-klik sa dilaw na detach button ay nag-aalis ng koneksyon sa pagitan ng source at ng isa pang profile sa Family Tree.
- Gugustuhin mo lamang i-klik ang dilaw na detach button kung sigurado ka na ang mga taong nakikita mo sa dalawang column ng Source Linker ay magkapareho at na ang dating attachment ay isang pagkakamali.
Kapag na-detach mo ang source mula sa ibang profile, maaari mo itong i-attach sa tao sa kanang column ng Source Linker.