Pag-attach ng source sa maraming tao sa Family Tree

Share
attach to multiple ppl Top Image.png

Kadalasan ay kasama sa mga talaan ng kasaysayan ang mga pangalan ng iba pang mga miyembro ng pamilya. Maaari mong gamitin ang Source Linker para i-attach ang source sa sinumang miyembro ng pamilya na kasama na sa Family Tree. Kung wala pa ang taong iyon sa Family Tree, maaari mo siyang idagdag, pagkatapos ay i-attach ang source pagkatapos niyon.

Narito ang paraan kung paano ito gumagana:

  1. Rebyuhin ang kaliwang column ng Source Linker, at hanapin ang mga pangalan ng iba pang mga miyembro ng pamilya.
  2. Kapag nakita mo ang pangalan ng isa pang kapamilya, tingnan kung may katugmang pangalan sa kanang column. (Hint: kung nasa iba’t ibang linya ang mga katugmang pangalan, maaari mong i-drag at i-drop ang mga ito gamit ang iyong mouse para gawing magkakalinya ang mga ito.)
  3. I-klik ang kulay-lilang Compare button.
  4. Rebyuhin ang impormasyon, at alamin kung ang magkabilang panig ng Source Linker ay naglalarawan sa iisang tao.
  5. Kung ang sagot ay oo, mag-iwan ng isang pahayag na dahilan na nagpapaliwanag kung paano ka nakarating sa iyong konklusyon, at i-klik ang Attach.

Paalala: Kung may isang bagay sa source na bago o nawawala sa Family Tree, kailangan mo munang i-klik ang Add para maidagdag ang detalye sa kanang column at pagkatapos ay i-klik ang Attach.

Nakatulong ba ito?