Pag-attach ng source sa isang tao na may maraming asawa

Share

Pagdispley sa tamang asawa

Kapag hindi lang iisa ang asawa ng isang tao sa Family Tree at hindi nakadispley ang tamang asawa sa kanang column sa Source Linker, sundin ang mga tagubilin sa ibaba para baguhin ang mga asawa at idispley ang tamang asawa.

  1. Sa kanang column, hanapin ang maling asawa. 
  2. Sa ilalim ng maling impormasyon tungkol sa asawa, piliin ang Change Spouse [Palitan ang Asawa], pagkatapos ay piliin ang tamang asawa. 
  3. Kung hindi nakaayon ang impormasyon sa kaliwa sa tamang tao sa kanan, i-drag at i-drop ang impormasyon sa tamang lugar. 
change spouse Top Image.png
change spouse Top Image.png
Change Spouse_2nd Image.png
Change Spouse_2nd Image.png
1 of 2

Kung hindi mo makita ang tamang asawa:

  1. Bumalik sa person page, at rebyuhin ang mga asawa. Kung hindi mo pa rin makita ang tamang asawa, gamitin ang mga talaan ng kasaysayan para makahanap ng impormasyon tungkol sa nawawalang asawa. 
  2. Gamit ang impormasyong ito, idagdag ang nawawalang asawa sa Family Tree. 
  3. Bumalik sa Source Linker, at i-attach ang source. 

Pagdispley sa tamang mga anak

Ang mga anak sa kanang column ng Source Linker ay depende sa mga magulang na nakadispley. Kung hindi mo makita ang mga anak na inaasahan mong makita, maaaring mga anak sila ng ibang asawa. Para makita ang mga anak na ito:

  1. Piliin ang Change Spouse [Palitan ang Asawa], at piliin ang asawa na magulang ng mga anak na gusto mong makita. Kung hindi lumalabas ang tamang asawa bilang opsiyon, maaaring kailangan mong idagdag ang asawa sa Family Tree.   
  2. Kung hindi nakaayon ang impormasyon sa kaliwa sa tamang tao sa kanan, i-drag at i-drop ang impormasyon sa tamang lugar.  

Pag-attach ng source

Para sa lahat ng indibiduwal sa kaliwang column na may katugma sa kanan:

  1. Piliin ang Compare. 
  2. I-verify ang impormasyon.  
  3. Kung mukhang tama ang impormasyon, ipaliwanag kung bakit mo ina-attach ang source sa Reason to attach source box.   
  4. Para i-attach ang rekord o talaan sa tao sa Family Tree, piliin ang Attach.  

Kung ipapasiya mo na nakakonekta ang isang anak sa maling magulang, sundin ang mga tagubilin sa Paano ko itatama ang mga relasyon ng magulang-sa-anak sa Family Tree? Kapag tama ang mga relasyon, bumalik sa Source Linker, at i-attach ang mga source.

Bakit ako nakakakita ng mga error icon? 

Ang mga error icon ay maaaring lumitaw sa ilang kadahilanan: halimbawa, marahil ay naka-attach na sa ibang tao ang source na sinusubukan mong i-attach.

  • Ang paliwanag para sa error ay karaniwang lilitaw sa kaliwa ng error icon. Kung hindi, mag-hover o itapat ang cursor sa icon para makita ang paliwanag. 

Kapag sa rekord ay may maraming asawa, maaaring pansamantala ka ring makakita ng mga error icon kapag ang isang talaan ay naglalaman ng mga anak ng ibang asawa. Wala kang kailangang gawin sa ganitong sitwasyon. Sa sandaling bumalik ka sa asawa na siyang magulang ng mga anak, mawawala na ang mga error icon.

Nakatulong ba ito?