Paano ko magagamit ang iminungkahing tungkulin ng lugar sa pag-indeks?

Tinutulungan ka ng iminungkahing tungkulin ng lugar na ilagay nang tama ang pangalan ng mga lugar ng kaganapan na nakikita mong binanggit sa isang makasaysayang tala. Magbabawas ito sa maling mga pagbaybay at pinabubuti ang mga resulta ng paghahanap para sa ibang mga tagagamit na maaring sa ibang pagkakataon ay maghanap para sa taong nakalista sa tala.

Mga hakbang

  1. Ipagpatuloy ang indeksing hanggang sa makarating ka sa lugar ng mga datos na nangangailangan ng pangalan ng heograpiya ng lokasyon—lugar ng kapanganakan, halimbawa, o lugar ng kamatayan.
  2. Simulan ang pagsulat ng pangalan ng lugar ng kaganapan.
  3. Habang isinusulat mo, isang listahan ng iminungkahing lugar ay lilitaw.
  4. Piliin ang lokasyon na pinakamahusay na tugma sa lokasyon na binanggit sa talaan.
    • Kung walang mga tugma, magpatuloy sa pagsulat kung ano ang nakikita mo sa tala.
    • Iwasto ang anumang mga maling pagbaybay na nakikita mo.
    • Palawakin ang mga pag-daglat, kung alam mo ang kumpletong pangalan ng lugar.
    • Kapag isinusulat ang pangalan ng lugar, huwag isama ang mga katawagan tulad ng "nayon", "munisipyo" o "distrito ng munisipyo".

Tandaan: Kung ang lugar ng kapanganakan ay hindi naitala o mga salitang "hindi alam" ay nailagay, pindutin ang Ctrl + B upang markahan ang lugar na blanko.

Magkakaugnay na mga lathalain

Anong mga uri ng online na tulong ang magagamit habang nag-i-indeks ako?

Nakatulong ba ito?