Ang listahan ng Mga Gawain ay mainam para sa mga bagay tulad ng pagpaplano ng susunod na mga hakbang ng pananaliksik o pagkuha ng mga ideya o katanungan na gusto mong sagutin tungkol sa partikular na mga ninuno.
Paano ito gumagana:
Para hanapin ang feature na Mga Gawain:
Sa FamilySearch.org website, pagkatapos mag-sign in, ang listahan ng Mga Gawain ay matatagpuan sa kanang sulok sa ibaba ng screen.
Upang magdagdag ng Gawain:
1. Piliin ang + Magdagdag ng item… sa patlang sa itaas ng kahon ng Listahan ng Gawain.
2. I-type ang iyong Gawain.
3. I-tap o pindutin ang markang tsek upang i-save.
Tandaan: Ang limitasyon ng dami ng character ay 1000 character, depende sa wika.
Upang i-edit o i-delete ang isang Gawain:
1. Hanapin ang Gawain na gusto mong i-edit o i-delete.
2. Sa kanang bahagi ng item na Gawain, i-tap o pindutin ang 3 tuldok.
3. I-tap o pindutin ang I-edit upang magawa ang pagbabago sa Gawain o I-delete upang matanggal ito mula sa listahan.
Nakumpletong mga item
Kapag nalagyan mo na ng tsek ang isang item sa gawain, makikita ito sa listahan ng Mga Nakumpletong Item. Ang nakumpletong mga item ay maaaring i-delete sa pamamagitan ng pag-tap o pagklik sa icon na basurahan.
Mga Link sa mga Item na Gawain
Maaari mong isama ang mga link sa mga web page o sa mga tao sa Family Tree sa iyong Mga Gawain. Ang mga link na ito ay maaaring magsilbing short-cut upang makapunta ka agad sa bahagi ng site kung saan mo gusto gumawa.
Mga Tala: Ang mga tagubilin na ito ay para sa Listahan ng Gawain sa bagong home page (tiyakin na ang button sa tabi ng Subukan ang mga feature ng bagong home page sa kanang sulok sa itaas ng screen ay nasa kanang bahagi, o nakabukas). Ang opsiyon na Listahan ng Gawin ay hindi magagamit sa mga mobile app, magagamit lamang ito sa FamilySearch.org website.