Paano ko malalaman kapag nakakuha ako ng sagot sa Komunidad ng FamilySearch ?

Share

Maaari kang gumamit ng mga markang-aklat o maglagak ng mga patalastas upang malaman kung kailan ka kukuha ng katugunan sa iyong mga balita sa Komunidad ng FamilySearch.

Mga Patalastas

Ilagak ang iyong mga kagustuhan sa patalastas:

  1. Lumagda sa Komunidad ng FamilySearch.
  2. Sa kanang tuktok, pindutin ang iyong larawan o avatar.
  3. Pindutin ang Ayusin ang Profile.
  4. Sa kaliwa, sa ilalim ng iyong pangalan, pindutin ang Mga Kagustuhan sa Patalastas.
  5. Para sa bawat patalastas, maaari kang pumili upang matanggap ang isang email o isang lumitaw na patalastas. Huwag lagyan ng tsek ang alinmang kahon kung gusto mo ng walang patalastas.
  6. Pindutin ang Itabi ang Mga Kagustuhan.

Ang mga patalastas na emaill ay darating sa iyong kahon para sa bawat katugunan. Ang lumitaw na mga patalastas ay nagpapakita bilang isang pulang tuldok sa kanang tuktok sa itaas ng markang kampana. Pindutin ang marka upang bigyan daan ang isang ugnay sa talakayan.

Mga Markang-aklat

Maaari kang maglagay ng markang aklat sa iyong mga katanungan at mga talakayan at muling suriin para sa mga kasagutan.

  1. Lumagda sa Komunidad ng FamilySearchat ibalita ang iyong katanungan o bagay na talakayin.
  2. Sa kanan ng pamagat ng iyong bagong balita, pindutin ang markang Laso upang lagyan ng markang aklat ito.
  3. Upang bumalik sa iyong mga markang aklat, sa kanang panig, sa ilalim ng Mabilis na Mga Ugnay, pindutin ang Aking Mga Markang Aklat.
  4. Pindutin ang isang talakayan o pamagat ng katanungan upang makita ang pinakahuling mga balita at mga kasagutan.

Pansariling profile

  1. Lumagda sa Komunidad ng FamilySearch.
  2. Sa kanang tuktok, pindutin ang iyong larawan o avatar.
  3. Pindutin ang Ayusin ang Profile.
  4. Sa ibaba ng larangan ng email adres, pindutin ang kahon para sa Pansariling Profile.

Mag-ingat: Kung gagawin mong pansarili ang iyong profile, ang mga iba ay hindi magpapadala sa iyo ng isang pansariling mensahe sa Komunidad. Kung nagbalita ka ng isang mensahe tungkol sa isang sensitibong paksa o isang nangangailangan ng dalubhasang tulong, ang mga taga-alalay ng Komunidad ay hindi magpapadala ng mensahe sa iyo ng tulong.

Nakatulong ba ito?